Lampshade "Mama asan ngayon si papa?" Bungad kong tanong sa ina kong busy sa pagluluto. Pagka-gising ko kasi kaninang umaga, hindi ko nakita si papa kaya nagkakapagtaka namang umalis siya. Hindi iyon aalis kung hindi papayag si mama. Hindi ako nilingon ni mama at nagpatuloy lang siya sa pagluluto. Bakit parang ang tahimik ng bahay namin? Bakit parang nawala yung sigla. "Ma nasaan nga si papa?" Tanong ko ulit. Tamad akong nilingon ni mama at bumuntong hininga. "Nandoon sa babae niya. Wag mo akong tanungin kung nasaang lupalop yan dahil wala na akong pakealam sa ama mong malandi." Malamig niyang sabi habang namumula-mula ang mata. What the f*****g is happening? Hindi ko lang nabigyan ng pansin ang pamilya namin ng ilang araw ganito na pala ang nangyayari. Anong ginawa ni papa? At b

