Cassiopeia's P.O.V Busy ako ngayong araw na toh sa pagbabasa ng mga importanteng papeles ng kompanya. Oo, imbes na asikasuhin ang nalalapit kong kasal ay naririto ako ngayon sa opisina at nagtratrabaho. Maliban sa talagang busy ako, sinasadya ko rin talagang gawin toh para inisin si Jion dahil pag nainis siya, baka sakaling maisipan niyang hindi na namin ituloy ang kasal. Napatingin naman ako sa pintuan ng opisina ko nang bigla na lang itong bumukas. Would you look at that, an unwanted visitor is visiting me today. Ano na naman kaya ang kailangan niya? Imbes na pansinin ang bisita ko, binalik ko na lang ang atensyon ko sa mga papeles na binabasa ko. Pero bigla na lang inagaw yung mga papeles na hawak ko at nilapag ito ng BISITA ko sa mesa ko. Kitang-kita naman ang galit ngayon sa mukha

