Jion's POV "Oh napasugod ka ata ngayon dito?" tanong sa akin ni Kenshin. Pumunta kasi ako sa condo unit niya pagkatapos kung ihatid si Cassiopeia sa bahay nila. Galing lang kaming Boracay pero kailangan ko lang talagang makausap itong si Kenshin. Sa dalawa kong kaibigang ugok, siya lang yung matino-tino sa kanila kaya siya yung pinuntahan ko. Hindi ko na siya sinagot at tuloy-tuloy na pumasok sa unit niya. "Parang may-ari lang ah!" sita sa akin ni Kenshin. Sanay na naman siya sa akin eh. Pagod ako! Ang gusto ko lang ngayon ay makaupo at makapagpahinga man lang sana, kahit konti bago ko sabihin yung pakay ko kay Kenshin. Pero laking gulat ko nung makita ko yung dalawang lalaking to. "Woah! Anong masamang hangin ang nagdala sa'yo rito?" -gulat na tanong sa akin ni Tyro

