Caeden's P.O.V "TAMA NA CADY! ANO BA!", galit ko namang sigaw kay Cady na nagwawala ngayon sa kwarto namin. Nang umalis sina Cassiopeia at Jion kanina, nagsi-alisan na rin ang ibang mga bisita. Unfortunately, nasira ang birthday party ni dad. Sobrang sama nga ng loob niya dahil sa nangyaring gulo kanina. "ANO BA CADY! ENOUGH ALREADY! HINDI PA BA SAPAT ANG GINAWA MONG PAGSIRA SA BIRTHDAY NI DAD KANINA?! HINDI KA NA NAHIYA!" "Bakit ako mahihiya ha Caeden?! Hindi naman ako ang nagsimula! Nakita niyo kung paano ako sampalin at pagsasabunutan ni Peia kanina! Pinagtanggol ko lang ang sarili ko! Kung meron mang nanira sa party kanina, si Peia yun!", pasigaw namang sabi niya. "Hindi ka niya aawayin kanina kung hindi mo sinaktan si Caia! What do you expect? Caia is her daughter! She's your ni

