Cassiopeia's P.O.V "Ma'am, you can open your eyes now." At sinunod ko naman yung sinabi nung make-up artist na nag-aayos sa akin ngayon. Napatitig naman ako sa itsura ko sa salamin. "Ayan ma'am, mas gumanda pa kayo lalo.", ngiting-ngiti namang sabi sa akin nung make-up artist. I must say, magaling pumili ng make-up artist si Jion. Di kasi ako ginawang clown . Light make-up lang ang inapply niya at na-curl lang yung hair ko and inipitan iyon ng isang butterfly clip. Nginitian ko lang naman yung make-up artist ko. Yes, today is the wedding day and wala na talaga akong magagawa. Ginawa ko na ang lahat para ma-delay ang wedding day pero ang gago... nagawan talaga ng paraan ang lahat. Halos hindi ako nakatulog mag damag dahil sa ginawa niyang proposal kagabi. Wait, matatawag ba yung pro

