Cassiopeia's POV "Boss! Tara na! Nasa atin na yung pera. Sibat na tayo bago pa tayo mahuli nung mga parak." -sabi nung isa sa mga kidnaper sa lider nila. Nakita ko naman yung lider nila na nag-isip sandali kung ano yung gagawin niya. Sana lang talaga pakawalan niya na lang kaming dalawa ni Jion. Pera lang naman yung kailangan nila eh. Wala naman din kaming atraso sa kanila kaya pwede naman sigurong pag-usapan na lang to. "OH YAN! Pakawalan niyo yung babae sa pagkakaposas." -sabi nito sa isa sa mga tauhan niya habang ibinibigay ang steel na maliit na bagay. Sa hula ko, ito yung susi nang posas na nakaposas sa akin ngayon. Naguguluhan man sa magiging takbo nang sitwasyon ay hinayaan ko na lang ang pagkakatanggal ng posas sa isa sa mga kamay ko. Nung nakawala na ako sa pagkakaposas ay

