Heather 1

1553 Words
Pagod na pagod si Heather nang bumaba siya ng kotse sa harap ng ancestral house nila bihira na siyang umuwe sa kanila simula nung nag college siya. It's her way to isolate herself from her family. Pinili niyang sa Manila mag aral ng college, di dahil sa mas maganda ang education system doon or dahil iba ang mga facilities. The truth is kaya siya lumuwas ay para di niya masaksihan ang kakaibang gawi ng pamilya nila sa father side niya. It is her biggest secret na nahihiya siyang ipagsabi maliban syempre sa kanyang dalawang bff Raya and Gela. Oo minsan ay pahapyaw niyang nabanggit sa dalawa ang ugaling iyon ng mga kaanak niya. Walang nakakaproud sa pag uugaling iyon ng pamilya niya. May alikabok pa ang sapatos niya mula sa photoshoot sa Tagaytay isang whole-day shoot para sa isang local clothing brand. Dapat sana’y doon na siya nag-stay ng isang gabi, pero mas pinili niyang umuwi agad sa Maynila. Hindi dahil sa excitement, kundi dahil ayaw niyang manatili sa probinsya nang mas matagal kaysa kinakailangan. Ito ang bahay na kinalakihan niya malaki, maganda sa paningin ng iba, pero puno ng mga tsismis, plano, at kasakiman. Yung mga tsismis na di niya kailanman ikinatuwa. Kaya nga kahit sinabi ng Daddy niya na di ito mag support sa kanyang pag aaral sa Maynila ay pikit mata siyang tumuloy. Working student siya simula noon, good thing na may savings siya dati nung nag aaral pa siya sa probinsiya. Pagpasok pa lang niya sa pinto, ramdam na niya ang ingay mula sa sala. Mga tawa. Mga pamilyar na boses ng mga babae na tila nakakarendi sa pandinig niya. May halong excitement, yung klase ng tuwa na alam mong may pinaplano. Sariwa pa sa alaala ang mga pagkakataon na nagiging saksi siya sa mga plano ng mga tiyahin at pinsan niya, mga plano ng panglalamang sa kapwa. Hindi pa man niya naihahakbang paakyat ang kanyang mga paa ay napahigpit ang hawak niya sa kanyang bag nang marinig niya ang boses ng isa sa mga tiyahin niya. “Sigurado ka bang single pa si Eric Lacsamana?” Napahinto siya nang marinig ang pangalang binanggit ng babae. Eric Lacsamana. Parang may biglang humigpit sa dibdib niya. Hindi dahil kilala niya ang lalaki, kundi dahil alam niya ang tono ng usapan. Tahimik siyang humakbang palapit sa hagdan, hindi sinasadyang makinig pero hindi rin umiiwas. May part niya na gustong marinig ang bawat detalye ng plano ng mga ito. “Single na single,” sagot ng pinsan niyang si Clarisse, mayabang ang boses. “May mga babaeng lumalapit, oo. Pero wala pang tumatagal. Mas gusto niya raw yung tahimik. Yung hindi masyadong obvious na habol siya.” “Perfect,” singit ng isa pang tiyahin. “Ikaw ‘yon, Clarisse. Alam mo ‘yan.” Narinig ni Heather ang mahinang tawa ng pinsan niya. “Ay, siyempre. Kailangan lang talagang planado. Hindi puwedeng basta-basta. Eric Lacsamana ‘yan bilyonaryo. Hindi ‘yan papatol kung hindi mukhang worth it.” Umupo siya sa ikalawang baitang ng hagdan, bahagyang nakatago ng railings. Tahimik. Pinipigilan ang sarili na bumaba at komprontahin sila. Gusto niyang sawayin ang mga ito at itama ang anumang maling gawain ng mga ito. Pero gusto niya munang marinig ng buo ang plano ng mga ito. “Anong timeline mo?” tanong ng isa pa. “Kasi kung ako sa’yo, Clarisse, hindi dapat patagalin. Baka may mauna pa.” “Relax,” sagot ni Clarisse. “First month, papakilala ko sarili ko bilang simpleng babae. Minimal makeup. Soft colors yung tipong mahinhin ganern. Hindi ako magdadala ng mamahaling bag kahit meron naman.” tila boung pagmamalaki pa na sabi ng pinsan niya. Noong nakaraang buwan lang ay na involved ang kanyang pinsan sa anak ng isang politiko, sabi ng Mommy niya na siyang nag support sa kanya sa kanyang mga desisyon. Kagaya niya ay tutol ang Mommy niya sa mga gawain ng mga kapatid at pamangkin ng Daddy niya. Di niya lang alam ang detalye pero malaki daw ang nakuha ng pinsan niya mula sa lalaki. May tumawa ng malakas at tila maharot. Parang naninindig ang kanyang balahibo sa ginagawa ng mga ito. Parang wala na talagang lugar para sa dignidad ang mga ito. Wala na yatang ibang mahalaga sa mga kamag-anak nila kundi ang pera at ang mga materyal na bagay. “Second month,” pagpapatuloy niya, “slow dates. Coffee, walks, kunwari ayaw ko sa luxury. Sasabihin ko masaya na ako sa maliit na bagay.” “Pero hindi talaga,” singit ng tiyahin. “Syempre hindi,” sagot ni Clarisse, halatang proud. “By third month, doon na papasok ang subtle requests. ‘Ay, gusto ko sanang mag-travel, pero wala akong budget.’ Tapos boom Paris. Or Switzerland. Kahit saan.” Naramdaman niya ang pagkulo ng sikmura niya. Nakakagalit pero wala naman siyang magawa para baguhin ang ganong gawi ng mga kamag-anak niya. Pero isa lang yung tinitiyak niya gagawa at gagawa siya ng paraan para matigil na ang kahibangan ng mga ito. “Pag naging kami na officially,” dagdag ni Clarisse, “unang gift dapat condo. Kahit maliit lang. Pangalan ko siyempre.” “Correct,” sabi ng tiyahin. “Tapos after kasal ay nako. Shopping galore.” Isa pang tiyahin ang nagsalita, halatang nag-e-enjoy. “Alam mo ba yung nakita akong bag sa Milan? ‘Yung limited edition. Perfect sa’yo ‘yon. Kay Eric mo ipa-buy.” “Kahit isang taon lang silang kasal, solved na tayo.”sabi ng isa pa niyang tita. “Oo naman Tita solve na solve. Hindi lang bag,” sagot ni Clarisse. “Car din. Kahit Range Rover lang muna. Ayoko masyadong magarbo sa simula.” “Travel every quarter,” dagdag ng isa. “New York sa spring, Japan sa fall then Dubai sa winter,” dugtong ni Clarisse. “At syempre, allowance. Hindi pwedeng wala. Kahit sabihin na nating ten million monthly. Maliit lang ‘yon sa kanya.” Parang may humampas sa tenga niya sa kanyang narinig. Ten million monthly. Maliit lang sa mga ito, palibhasa ay sanay sa buhay na nakaasa lang sa ibang tao, kaya walang pagpapahalaga sa bawat sentimo na ginagastos ng mga ito sa mga walang kabuluhang bagay. “Paano kung magtanong ng prenup?” tanong ng isang tiyahin, bahagyang nag-alinlangan. Tumawa si Clarisse mahaba at tila confident. “Hindi ako papayag. Sasabihin ko insulto ‘yon sa pagmamahal ko. Drama. Iiyak ako kung kailangan. Lalaki ‘yan marupok sa ganyan.” Alam niya na may hitsura ang kanyang pinsan at ginagamit nito ang mukhang iyon para makapangbiktima ng mga kalalakihan. It's a habit na itinuro ng mga tiyahin niya dito, maski siya noong una ay gusto ding akayin sa ganung gawain, pero bata palang ay ipinamulat na ng Mommy niya sa kanya na mali ang ganung gawain. Tumahimik ang sala sandali, tapos sabay-sabay na tumawa ang mga ito, para bang tuwang tuwa na may tao na naman na nakatakdang maging biktima ng mga ito. Parang normal lang na gawin ang ganun sa mga kaanak niya. Alam niyang magagawa ng pinsan ang plano lalo at gagamitin nito ang lahat ng koneksyon nito para lang magawa ang plano nito. Hindi na niya natiis pa at lumabas na siya. Sinadya niyang paingayin ang kanyang sapatos. Napalingon ang lahat sa kanya. Nakatayo na siya sa ibaba ng hagdan. Gusot ang buhok, may bahid pa ng pagod sa mukha, hawak ang bag niya. Pero diretso ang likod, matalim ang tingin. “Heather,” sambit ng isang tiyahin, pilit na ngiti. “Kailan ka pa dumating?” “Kanina pa,” sagot niya. “Matagal tagal na ding nakaupo dito sa hagdan.” Tahimik. “Lahat ng sinabi n’yo,” dugtong niya, mababa pero malinaw ang boses, “narinig ko.” Nagkibit-balikat si Clarisse. “At? Ano naman?” “Wala,” sagot ni Heather. “Gusto ko lang linawin kung bakit ayaw kong manatili rito.” Tumayo siya nang tuwid. “Kaya ako nag-aral sa Manila. Kaya ako umiiwas. Dahil ayokong maging katulad n’yo.” Nanlamig ang sala. “Kung akala n’yo,” dagdag niya, “na okay lang ang manloko, magpanggap, at gumamit ng tao para sa pera huwag n’yo akong isama.” Tumawa si Clarisse, may halong pangungutya. “Ang arte mo, Heather. Sa mundo ngayon, diskarte ‘yan.” Napailing siya, oo sa mamahaling mga schools nag-aaral ang mga pinsan niya, pero sa pakiwari niya ay wala man lang natutunan ang mga ito. Hindi naman yata kasama sa itinuturo doon ang manglamang ng kapwa para umangat sa buhay. Sila ang pamilyang social climber, oo may kaya ang pamilya nila noon, pero dahil sa luho ng mga tiyahin niya ay halos naghihingalo na ang business ng pamilya. May mga lupain na nga na nakasanla sa mga tao dahil sa hindi na magawang i sustain ang needs ng mga ito. Kaya ngayon ay inilalako na ng pinsan niya ang katawan nito para matugonan ang mga luho nito. Minsan iniisip niya na pwede namang magbanat ng buto ang mga ito, para naman marangal ang papasokin ng mga ito. Pero parang wala namang balak ang mga ito, baka daw masira ang beauty pag nagtrabaho. “Hindi naman diskarte ang tawag diyan. Panlalamang ‘yan.” Tahimik siyang umakyat ng hagdan, iniwan ang pamilya niyang puno ng plano at kasakiman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD