Chapter 6

2895 Words
Ilang araw din ang inilagi ko sa bahay dahil ayoko na muna makasagupa ng kahit na anong kababalaghan, nag-aaya si Gabbi na lumabas pero tumanggi ako.  Ilang araw na rin hindi nagpaparamdam sa akin si Inayah, mas mabuti na rin iyon kesa naman pilitin niya ako na sumama sa kanila kahit alam naman niya na ayoko.  Katatawag ko lang kila mama sa Manila kanina susunod daw sila dito kapag malapit na ang pasko at sila na mismo ang susundo sa akin.  Nag-iisa lang akong anak, dito din sa Samar nagkakilala ang parents ko noong nagbakasyon sila mama rito at doon niya nakilala si papa at sa sandaling iyon mabilis din silang nagkapalagayan ng loob.  Curious talaga ako sa idea ng love, simula pa lang kasi bata ako palaging sinasabi sa akin ng parents ko na kahit anong mangyari hindi ako pwedeng magmahal. Wala pa rin akong sagot sa katanungan na iyon na mas lalo pang dinagdagan nang manghuhula. Siguro nga hindi nakatadhana para sa akin ang magmahal. "Grabe girl ang simple pa lang inilalagay ko sayo ang Diyosa mo ng tingnan." Pangbobola ni Chanchan, siya kasi ang nag-aayos sa akin dahil may party raw ang kababata nila na galing sa kung saang lugar.  Hindi dapat ako sasama pero napilitan ako dahil sa kulit ni Angie, hapon na kaya umuwi na rin sila lola galing sa palengke at naisipan na si Chanchan na ang mag-ayos sa akin. Si Chanchan, Angie, Gino at ako ang pupunta roon. Simpleng dress lang ang suot ko na kulay white, sleeveless ito at alam kong malamig na mamaya kaya nagbaon ako ng jacket.  Si Angie naman ay nakasuot ng kulay pink na dress, maganda si Angie at talagang hindi maikakaila na iisang lahi lang kami. Syempre buhatan na ng bangko. Matapos namin mag-ayos sabay-sabay na kami nagpunta sa bahay ng kababata nila. Yuna ata ang pangalan, nakakahiya kasi bisita na lang ako wala pang dalang regalo. Maganda ang lugar nila, malawak ang bakuran at sa labas ginaganap ang party na ito. Napakaganda ng bilog at maliwanag na buwan kung saan tanaw na tanaw talaga. "Andiyan na pala kayo." Bati ng isang babae na nasa 40 years old, siguro ito ang mama ni Yuna. Maganda ang pagkakaayos ng lugar, halatang pinaghandaan nila. Maraming bisita at talagang magkakilala sila, ako lang talaga ang naiiba.  "Girl daming boylet." Malanding sambit ni Chanchan habang inililibot ang paningin sa paligid. "Mamaya may sayawan na magaganap, panigurado ako na marami ang magsasayaw sa 'yo." Natawa na lang ako sa sinabi ni Chanchan  "Kahit kailan wala pang nagsayaw sa akin."  Kahit noong nasa Manila pa ako at may party wala ni isa ang inanyayahan ko na magsayaw sa akin, dahil sa bilin din sa akin nila mama na 'wag maging malapit sa kahit kaninong lalaki. "Pero may jowa ka?" Intriga na naman niyang tanong at ikinalaki ng singkit niyang mga mata ang pag-iling ko. "Seryoso? Sa mala-Diyosa mong ganda?" Hinawakan niya sa magkabila kong pisngi. "Alam ko na maganda ako, 'wag mo na ipagkalandakan pa." Sabay tawa ko rito at inalis ang kamay niya sa pisngi ko. Inilibot ko ang paningin sa paligid at may gustong makita, sa dami ng lalaki rito sa paligid may isang tao ako na gustong makita, at hindi ko alam kung bakit ko siya hinahanap gayo'ng alam ko na hindi siya pumupunta sa ganitong lugar. Tamad akong napasandal sa upuan namin na gawa sa kawayan, ano bang ginagawa mo Caralina? Bakit mo hinahanap ang tao na iyon? Remember? Bawal ka magkagusto sa kahit na kanino, pwede ka naman maging masaya na walang lalaki 'di ba? "Oh my! Ang pogi ni papa Marlo."  Hindi ko alam kung anong klaseng mahika ang bumuhay sa dugo ko para agad na tingnan ang dereksyon kung saan kilig na nakatingin si Chanchan. Nanlaki ang mga mata ko nang sandali kong makita si Marlo suot ang kulay puti nitong polo at itim na slacks. Ampogi niya kahit para siyang mag-aalok ng networking, shet open minded ka ba? Luminga-linga pa siya sa paligid na parang may hinahanap. Ang gwapo niya talaga, mas lalo pa ngayon na ibang-iba ang suot niya. Kung nasa Manila siya nakatira isa rin siya sa pagkakaguluhan ng mga kababaihan. Hindi ko namalayan na nakanganga na pala ako sa kaniya at naglalaway sa kagwapuhan niya. "Girl ayos ka lang?"  Nakanganga ako habang nakangiting tumingin kay Chanchan na bakas sa mukha ang pagtataka. "Bakit ka nakanganga?" Napatikom ako at lumunok bago umayos ng upo. "Aahh...wala, gutom na ako." Natawa naman ito ng napahawak ako sa tiyan ko. "Ganda mo sana eh 'no? Kaso patay gutom."  Sinamaan ko naman siya ng tingin at bumaling na lang sa kanina ay kinatatayuan ni Marlo, pero wala siya doon kaya muli kong inilibot ang paningin sa paligid ng makita siyang nakatayo malapit sa bintana kausap ang dalawang lalaki habang nakatingin siya sa akin ng seryoso. Agad kong inilihis ang tingin ko. UGH! Nakakainis talaga baka ano ang isipin niya dahil palagi niya akong nahuhuli na nakatingin sa kaniya. Ilang sandali pa ay tumigil ang tugtog at nabaling ang tingin ng lahat sa babaeng nasa harapan, maganda siya at talagang napakaamo ng mga ngiti niya.  Ang sexy niya sa suot niyang dress na kulay brown, sleeveless din nito at maaaninag ang makinis at maputi nitong balat. Mahinhin siyang ngumiti sa lahat, nagpalakpakan ang lahat kaya nakisabay ako.  Tulala pa rin ako sa gandang taglay ni Yuna, ang dami ko ng iniisip dumagdag pa kung babae ba talaga ako. Kasi sa tuwing nakakakita ako ng magandang babae natutulala ako. Ngayon alam ko na kung bakit hindi ako pwede mag boyfriend kasi girlfriend ang para sa akin. Muli kong inilibot ang paningin at nakita ang mga lalaki na grabe kung ngumiti at kasama na rito si Marlo, sandali akong natigil sa pagpalakpak at nakaramdam ng kirot. Bakit siya nakangiti? Dahil ba sa babaeng nasa harapan niya? Ano ba ang mero'n sa kanila at parang napaka-special ng babae na iyon para ang masungit na mukha ni Marlo ay napalitan niya ng ngiti? Teka...ano naman ang pakialam ko? Hindi ko dapat ito nararamdaman, ayoko kay Marlo at kahit kailan hindi ako magkakagusto sa lalaking iyan.  Umirap ako at ibinaling ang paningin sa pagkain, binasa ko ang labi ko na animo'y takam na takam sa pagkain.  Matapos ang pagpapakilala at pagpapasalamat ay nag-umpisa na kaming kumuha ng pagkain, mahiyain ako pero hindi sa pagkain. "Grabe girl kaya mo iyan?" Tinaasan ko ng dalawang kilay si Chanchan. "Watch me." Sabay tawa namin pareho, ito lang ang talent na kaya ko ipagmayabang sa lahat. Matakaw ako sa totoo lang pero hindi ko alam paano ko na maintain ang pagiging payat, baka may dragon ako sa tiyan. Nasa kalagitnaan ako ng paglamon, oo paglamon talaga wala akong pakialam kung ano ang isipin nila pero masarap ang kumain, pero napatigil ako ng bigla kong mapansin si Yuna at Marlo na magkausap, bahagyang natawa si Marlo pero agad niya itong inalis at muling seryosong nagsalita. Seriously? Si Marlo napatawa ni Yuna? So, ganoon na lang talaga siya kalakas kay Marlo at kaya niya mapatawa? "Bata pa lang kami ganiyan na sila, si Yuna lang ang palaging kinakausap ni Marlo." Nagulat ako sa sinabi ni Gino dahilan para ibaling ko ulit ang paningin sa kinakain ko.  "So? As if naman may pakialam ako." Pagsusungit ko rito. "Bakit may sinabi ba ak–" Hindi na siya natuloy nang biglang may nagsalita sa harapan, "Ngayon ay maari niyo ng isayaw ang mga binibini na nais ninyo." Nakahawak pa rin ako sa kinakain ko ng makitang tumayo na ang mga kasama ko. Hindi ko alam kung saan pupunta si Chanchan, pero ang mag-jowa alam ko sasayaw sila. Napakibit-balikat na lang ako at babalik na sana sa pagkain ng may tatlong lalaki ang naglahad ng kamay nila sa harapan ko, sa sobrang lutang ko nilapagan ko sila ng tig-iisang shanghai, apat na lang ito kaya kinain ko na ang isa. Nagulat ako nang bigla silang nagtinginan at tumawa, problema ng mga ito? Pasalamat nga sila binigyan ko pa sila. "Mapagbiro ka pala, ganiyan ang gusto ko sa isang babae." Nagulat ako at ang tatlong lalaki sa nagsalita mula sa gilid namin, agad silang umalis ng makita ito.  Maganda ang pangangatawan ng lalaki at may katangkaran din, bumalik na lang ako sa pagkain. "Maari ba tayong magsayaw binibini?" Sabay lahad nito ng kamay niya. Aahh...kaya pala natawa iyong tatlong lalaki, akala ko nanghihingi ng pagkain. Ang tanga mo talaga Caralina, kakahiya ka! Tatanggi na sana ako ng makita si Marlo na nagsasayaw kasama si Yuna, nabalot ng inis ang mukha ko at agad tumayo para magsayaw kasama ang lalaking hindi ko kilala.  First time kong sasayaw hindi dahil gusto ko, kung hindi dahil sa inis! Ewan basta naiinis ako!  "Anong pangalan mo?" Nakangiti nitong tanong. "Caralina." Tamad kong sagot. Hindi ko alam kung tama ba ang ginagawa ko.  Tumitingin ako kila Marlo pero ni isang sulyap 'di siya tumingin sa akin, ang lakas ng tama niya kay Yuna at hindi manlang maalis ang tingin. Ang manhid niya ha! Hindi manlang nagselos.Teka! Ginagawa ko ba ito dahil gusto ko siyang magselos? Mali ito Caralina, tandaan palagi ang bilin sayo. Bawal Caralina! Bawal! Titigil ko na sana ang kalokohan na ito nang biglang higpitan ng lalaking ito ang pagkakahawak sa beywang ko at dahan-dahan niya ibinababa ang kamay niya. Napaatras ako dahil sa gulat, may nabangga ako kaya agad ko itong nilingon. "Sorry." Nagulat ako ng si Marlo ang nabangga ko. "Ayos ka lang ba?" Mahinahong tanong ni Yuna, napatingin ulit ako sa bastos na lalaki na ito at tumingin kay Marlo na halatang gulat din. Nagmadali akong bumalik sa pwesto namin kanina, nakakainis talaga! Hindi ako pwedeng mag-eskandalo rito dahil dayo na lang ako, mag-uumpisa pa ako ng gulo.  Naiiyak na ako sa kinauupuan ko dahil sa ginawa ng bastos na lalaki na iyon, wala na rin si Yuna at Marlo sa harapan at hindi ko alam kung saan sila nagpunta.  Napapikit ako at nagpunas ng mata, pagdilat ko nasa harapan ko ang basto na lalaki. Hindi ko na siya pinansin pero may inabot siyang isang baso ng tubig. "Sorry sa ginawa ko." Sabay lapag nito ng tubig at tuluyan ng umalis, kumawala muna ako ng malakas na paghinga bago kinuha ang baso na iyon. Wala akong choice kasi walang tubig sa harapan ko at ayoko tumayo. Ininom ko ito at bahagya akong kumalma.  Bumalik na ang tatlo kong kasama matapos magpalit ng kanta, may mga makukulay ng ilaw ang bumabalot sa lahat at nakakaindak na tugtugin.  Nakaramdam ako ng pagsakit ng sikmura kaya napakapit ako ng mahigpit kay Chanchan "Aww...anong nangyayari sayo girl?" Pag-aalala nito akong hinarap sa kaniya. "Nasusuka ako."  Pawis na pawis ako kahit na malamig naman ang panahon, umiikot ang paningin ko na lalo pang dinagdagan ng iba't ibang kulang ng ilaw. "Lalabas lang ako." Pagpapaalam ko sa kanila. Dali-dali akong pumunta sa likuran ng bahay nila Yuna, napatungkod ako sa isang puno at agad na sumuka. Napasobra ata ang kinain ko kanina, pero bakit ako nahihilo? Hindi naman ako uminom ng alak pero para akong lasing. "Andito ka lang pala." Halos mapatalon ako sa gulat dahil sa boses ng isang lalaki. "A-anong ginagawa mo rito?" Napaatras ako ng tangkain ako nitong hawakan, siya iyong bastos na lalaki kanina. Aalis na sana ako ng bigla niya akong higitin sa braso, nakita ko naman iyong tatlong lalaki na nasa 'di kalayuan. Hindi ako makakatakas sa kanila dahil wala ring makakarinig sa akin dahil sa sobrang ingay ng tugtog.  Nangangatog ang tuhod ko sa matatalim na tingin ng lalaking ito, nahihilo ako pero tanaw na tanaw ko ang mukha nito na tila ba hayok na hayok sa laman. Naiiyak akong nagpupumiglas pero napakalakas niya. "A-ano ba? Nasasaktan ako." pagmamakaawa ko rito pero hindi siya natinag, sa halip ay hinila niya ako papalapit sa kaniya, bumilis ang t***k ng puso ko at napapikit na lang sa takot ng amuyin niya ako sa leeg. "Nakakatakam!" Napahigpit pa lalo ang pagkakahawak niya sa kamay ko, wala na akong nagawa kung hindi ang umiyak at magdasal na sana may kaisa-isang tao na magligtas sa akin mula sa manyak na lalaking ito. Hindi ko inaasahan na may ganitong pangyayari sa akin bukod sa mga engkanto, mas nakakatakot pa pala talaga ang mga tao. "Mas masarap ang nagpupumiglas." Gulat akong napamulat sa sinabi niya. "Takbo!" Sabay bitaw nito sa akin at agad akong napatakbo sa kakahuyan.  Kahit nangangatog ay pinilit kong tumakbo, madilim ang paligid at ang liwanag lamang ng bilog na buwan ang nagbibigay ng kakaunting liwanag sa dinaraanan ko. Hindi ko na alam kung saan ako napadpad, alam kong may mga galos na ako sa binti dahil sa pagsabit sa ibang mga sanga ng puno. Ilang beses na rin akong nadapa, ayoko pang mawalan ng pag-asa pero pakiramdam ko dito na ako matatapos.  "Aahh!" Namilipit ako sa sakit ng bigla akong matalisod sa isang malaking ugat, hindi pa rin ako matigil sa paghagulgol. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong klase ng takot sa buong buhay ko, mas matinding takot pa ang nararamdaman ko ngayon kumpara noong nakasalamuha ako ng engkanto. Mas matindi pa pala ang takot na kayang ibigay ng mga tao. "Caralina." Sandali akong napatigil ng marinig ko ang boses ng manyak na lalaki, narinig ko rin ang mga yapak nila at alam kong malapit lang sila. "Aahh..." Mahina kong tugon dahil sa sobrang sakit ng nararamdaman ko, pinilit kong tumayo pero hindi ko kaya.  Nabali na ata ang buto sa paa ko, pero hindi ako pwedeng mahuli ng mga hayop na iyon. Kahit hirap na hirap ay gumapang ako papunta sa likuran ng isang puno at doon ay niyakap ang sarili habang patuloy pa rin sa pag-iyak. Wala akong kakampi sa mga oras na ito, ako lang mag-isa at hindi ko pa alam kung makakaalis pa ba ako ng buhay rito. Alam kong hindi titigil ang mga hayop na iyon para mahanap ako. "Bakit mo pa kasi pinatakas Anton? Ayon na  'yon, e." Reklamo ng isang lalaki. Napatakip ako ng bibig para hindi nila marinig ang paghikbi ko, rinig na rinig ko na ang mga yapak nila. "Mas masarap kainin ang manok na tayo mismo ang humuli." Napapikit ako sa mga sinabi niya dahil alam ko na narito lang siya sa tabi ko.  Ramdam na ramdam ko na siya kaya mas lalo akong kinilabutan. Napahigpit ako ng yakap sa sarili ko. Wala na siguro akong pag-asa hanggang dito na lang ako, mamamatay ako sa kamay mga taong ito.  Akala ko ang pagkakakilala ko kay Inayah at pagsilay sa lugar nila ang pinakanakakatakot na parte ng buhay ko, mali pala dahil mas nakakatakot pa pala talaga ang mundo na ginagalawan ko, kumpara sa mundong kinatatakutan ko. "Huli ka!" Napasigaw ako ng biglang may humila sa paa ko, dahil sa ginawa niyang ito ay napahiga ako. "Nahuli ko na ang pagkain natin!" Sigaw nito at mabilis na lumapit iyong tatlong lalaki na kasama niya, nagpumiglas ako pero hinawakan niya ang dalawa kong paa, at iyong dalawa naman niyang kasama ang humawak sa magkabila kong kamay. "Makinis pare." Nagsisigaw ako ng hawakan ng isa sa kanila ang binti ko, wala na talaga akong kawala sa kamay ng mga demonyong ito. Napapikit ako at pilit na kumakawala pero nanghihina ako at sobrang lakas nila. "Ako na mauna pare." Napatingin ako roon sa lalaking kasayaw ko kanina. "Sige Anton, basta ako susunod." Paglalaway na tugon ng isang lalaki, walang lumalabas na boses sa akin pero gusto ko silang murahin at isumpa lahat. "W-wag." Pagmamakaawa ko kay Anton matapos nitong hubarin ang sinturon niya, ngumisi ito ng mala demonyo at yumuko para hawakan ako sa pisngi, umilag naman ako. "Wag ka mag-alala masisiyahan ka rin mamaya," saad nito at humalakhak na talagang nakakatakot. "Demonyo ka!" Galit na sigaw ko rito pero mas lalo itong natawa. "Demonyo na ipaparanas sayo ang langit."  Nagpumiglas akong muli at napapikit ng mariing hawakan ako nito sa beywang. Muli, napahagulgol ako sa takot, ayoko ng ganito. Wala akong kalaban-laban sa kanila,wala na akong pag-asa dahil napaka imposible na may taong tutulong sa akin ngayon. Hanggang dito ka na lang talaga Caralina. Napadilat ako ng biglang may sumigaw, nagulantang kami dahil may malakas na pagbato ang nanggaling sa kung saan dahilan para bumulagta si Anton, agad na napabitaw sa akin ang tatlo. "S-sinong and'yan?" Nanginginig sa takot na tanong ng isa, nanatili akong tulala na nakahiga at inaaninag si Anton na nakabulagta. "Lumabas k–" Hindi natapos ng isa pa ang pagsasalita dahil bumulagta na rin ito na mas ikinatakot ng dalawa at kumaripas ng takbo.  Nanghihina akong tumayo, napakapit ako sa puno para umusad, sa hindi kalayuan natanaw ko ang isang malawak na bukirin. Hinang-hina akong lumagpas sa isang puno pero bigla akong natisod sa isang ugat, tuluyan ng nanghina ang tuhod ko at sa sandaling pabagsak na ako ay may kung sino ang sumalo mula sa likuran. Hindi ko siya maaninag dahil nakatapat sa kaniya ang bilog at maliwanag na buwan. Nahihilo at lumalabo na rin ang paningin ko. Nakahinga na rin ako ng maluwag dahil sa sandaling ito alam kong safe ako sa bisig ng taong ito. Hindi ko maipaliwanag ang pakiramdam pero alam kong hanggat andito ako sa mga bisig niya, hindi ako mapapahamak. "Kahit anong mangyari, hindi ko hahayaan na may masamang mangyari sa 'yo." Mga katagang binitawan nito bago tuluyang magdilim ang paningin ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD