*
Alas diyes na ng gabi. Tulog na lahat sa bahay ng Del Frado pwera kay Stella. Hindi siya makatulog kaya bumangon muna siya. Kanina pa siya nagbabasa ng libro, sa pagbabakasakaling dalawin ng antok pero hindi pa rin. Nagpasya na siyang lumabas muna ng kwarto. Dahan-dahan lang para hindi siya makagawa ng ingay, ayaw niya rin naman makaabala ng mga nagpapahinga.
Paglabas niya ng kwarto, bumungad sa kanya ang madilim na sala. Bukas naman ang ilaw sa kusina kaya hindi na niya iyon bubuksan. Pero napatigil siya sa paghakbang ng biglang bumukas ang front door at lumiwanag sa sala. Napatingin siya sa kung sino ang pumasok at nagulat siyang si Matthew iyon. Nagkatitigan sila pero agad din siyang umiwas ng tingin at dumiretso sa kusina. Kabastusan man iyon dahil amo niya ito, dapat binati man lang niya ito pero hindi niya ginawa ngunit mas mabuti na rin na iyon ang ginawa niya. Dahil kung hindi siya iiwas, baka magwala na ang dibdib niya sa sobrang lakas ng kalabog nito. Kinakahaban kasi siya sa tuwing nagkakaharap o nagkatitigan sila.
Iinom lang naman siya ng tubig kaya siya bumangon. Kumuha agad siya ng tubig sa ref at nagsalin sa baso. Pagkatapos ay ininom na niya iyon. Habang umiinom siya ay iniisip niya kung makakatulog na ba siya.
“Pwede mo ba akong ipagtimpla ng kape?” Nagulat siya sa boses na narinig kaya nasamid siya. Binaba niya ang baso sa mesa dahil sa pag-ubo.
"Sh*t! Sorry, nagulat ba kita? Pasensya ka na, gusto ko lang kasi magkape,” wika nito. Hindi siya makasagot dahil sa pagkasamid kaya lumapit ito at hinaplos ang likod niya. Tila may kuryente siyang naramdaman nang dumampi ang kamay nito sa likod niya kaya napabalikwas siya ng atras. Agad siyang lumayo rito.
“A-ayos lang po ako, sir. Ipagtitimpla ko na po kayo,” wika niya ng hindi ito tinitingnan pero naaamoy niya ang pabango nito at alak na naghahalo sa ilong niya.
“Okay, pakihatid na lang sa pool side,” wika nito. Nanatili siyang nakatalikod.
“Opo, sir,” sagot niya. Hindi na ito sumagot at naramdam na lang niya ang pag-alis nito. Doon lang siya nakahinga ng maayos. Dahil habang magkasama sila sa kusina ay tila ba nahihirapan siya sa paghinga at tila sumikip ang kusina para sa kanilang dalawa. Pagkatapos niyang magtimpla ng kape, hinugasan na niya ang baso saka ibinalik sa tauban. Sunod ay dinala na niya isang tasa ng kape papunta sa pool side kung saan naghihintay si Matthew.
Nakatalikod ito sa kanya at nakaharap sa pool habang nakaupo sa isang upuan. Sa bandang kaliwa ito nakapwesto kaya sa kanan siya lumalit at doon inilapag ang isang tasa ng kape.
"Ito na po ang kape niyo, sir,” wika niya at tinalikuran ito. Hindi na niya hihintayin ang sasabihin nito. Ngunit hindi pa man siya nakakalayo ay nagsalita ito. “Pwede bang dito ka muna? Samahan mo muna ako. I need someone to talk.” Napatigil siya at nakaramdam ng guilty. “Okay lang naman siguro? Hindi naman kita sasaktan, Stella. Kailangan ko lang talaga ng makakausap ngayon,” dagdag nito.
Umiiwas siya rito dahil mahalaga sa kanya ang trabahong ito. Pero wala naman siyang lalabagin na ipinagbabawal kung makikipag-usap siya rito kaya dahan-dahan siyang humarap at naglakad pabalik. Umupo siya sa isang upuan ng hindi nagsasalita. Nilingon siya nito pero ang tingin niya ay nasa tubig, ngunit pansin niya sa kanyang peripheral vision ang pagngiti nito.
“Thanks. Ayos lang kahit hindi ka magsalita pero sana hayaan mo akong magkwento sa ’yo,” sabi nito. Hindi siya umimik pero nakikinig siya at makikinig siya sa lahat ng ikukwento nito.
“Sa tingin mo ba, tama ang desisyon ko? Pinakawalan ko ang isang investor ng company ko dahil naniwala ako na labas ang negosyo sa personal na problema. Alam ko naman na doble ang babalik kahit umalis ang isa, pero ang investor na ’yon ay maayos kanegosyo at alam mong faithful kaya hindi ko pa rin mapigilan manghinayang,” pagkukuwento nito. Sinundan pa ng buntonghininga bago humigop ng kape. Hindi sana siya iimik pero nakaramdam siya ng awa sa boses nito.
“Hmmm. Tama naman ang sinabi mo, sir. Labas ang personal problema pagdating sa negosyo. Hindi ako businesswoman or business minded pero agree ako sa sinabi mo. Kung iyong umalis ay ganyan ang dahilan, then let it go. Tulad din ng sinabi mo, may babalik naman kaya huwag ninyo na lang po isipin iyon.” Hindi niya ito nilingon ng sabihin niya iyon.
“Is that what you think? Well, thanks for that. Medyo gumaa ang pakiramdam ko. Kanina ko pa kasi iniisip kung tama ba ang desisyon ko o hindi. Pero dahil sa sinabi mo, hindi na ako mag-iisip. Salamat,” wika nito. Sa pagkakataong iyon ay nilingon niya ito. Nakatingin ito sa kanya habang nakangiti. Hindi siya nagpakita ng reaksyon ngunit tumayo na siya.
"Kung ano man po ang problema ninyo, malalampasan ninyo rin ’yan. Ikaw si Matthew Del Frado, wala kang inaatrasan. Pero tandaan ninyo rin po sana na kapag hindi ninyo na kaya, pwede kang magpahinga. Hindi mo kailangan magpanggap na malakas ka at kaya mo pa kahit nahihirapan ka na. Sige po, matutulog na po ako,” paalam niya at tinalikuran na ito. Hindi na niya ito hinintay na sumagot at naglakad na siya paalis doon. Dumiretso siya sa kwarto at humiga sa kama. Paghiga niya, napahawak siya sa kanyang dibdib. Kalmado na ito kumpara kanina dahil iba talaga ang epekto ni Matthew sa kanya at alam niyang mali iyon kaya hangga't maaga pa, iiwas na siya para hindi na lumaki ang kung ano man ang namumuo sa kalooban niya. Napahinga siya ng malalim bago ipikit ang mga mata. Kahit hindi siya dinadalaw ng antok ay pinilit na lang niya g matulog.
*
Kinabukasan, sabado iyon at wala sanang balak pumasok si Matthew sa office dahil wala naman siyang mahalagang gagawin sa company. Natapos na niya ang mga kailangan niyang gawin kaya gusto lang niyang matulog ngayon. Pero ang plano niyang iyon ay binasag agad ng isang tawag sa kanyang cellphone. Pikit mata niyang kinuha ang cellphone at sinagot ang tawag.
“Yes? Who’s this?” tanong niya. Bakas pa sa boses niya na antok pa siya.
“[Good morning, Sir Matthew. Pasensya na po sa abala pero nagpatawag po ng biglaang meeting ang boarr of directors and gusto raw po nila kayo makausap. They are waiting for you, sir. Mula kaninang alas otso pa po sila naghihintay.]” Tila nagising ang diwa niya nang mabosesan si Rina. Napabalikwas siya ng bangon.
“What? Bakit ngayon ka lang tumawag?” tanong niya nang makitang mag-aalas diyes na.
“[I’m trying to call you for the nth time, sir, pero hindi po kayo sumasagot.]” Napasapo siya sa kanyang noo sa sinabi nito. Siya pala ang may kasalanan kaya hindi niya dapat ito sisihin.
"Alright. Tell them to wait for me. Sabihin mo na rin na may inasikaso ako kaya male-late ako,” wika niya.
“[Sinabi ko na po ’yan, sir. Kaya pumunta na po kayo dahil hindi na po maganda ang mood nila.]”
“Okay, okay. I’ll hang up now!” sambit niya at pinatay na ang tawag. Hindi na niya pinagsalita si Rina at dumiretso na siya sa banyo. Pinaspasan na niya ang pagligo dahil nakakahiya na kung tatagalan niya pa.
Pagkatapos niyang maligo, lumabas agad siya ng banyo. Nagulat pa si Stella nang makita siyang nakatapis ng tuwalya. Sandali siyang natigilan at napatitig dito. Nakasuot na naman ito ng malaking damit at mahabang palda. Nakatali rin ang buhok nito. Iniisip niya na kung hindi ito mataba, baka nagkagusto na siya rito pero malayong-malayo ito sa mga babaeng nagpapantasya sa kanya. Tumalikod ito pagkatapos magtakip ng mata.
“P-pasensya na po, sir. Maglilinis lang po sana ako ng kwarto ninyo,” nauutal nitong sambit. Napailing siya sa naisip niya. Bakit nga ba niya iniisip ang ganoon tungkol kay Stella? Malabong mangyari ang iniisip niya dahil kahit sa pananamit ay tila wala itong taste.
"It's okay, paalis din naman ako. Linisan mo na lang ito paglabas ko. Magbibihis lang ako,” sambit niya. Hindi ito umimik at lumabas lang ng kwarto niya. Habang siya naman ay dumiretso sa walk in closet niya para magbihis.
**
Samantala, habang naghihintay si Stella sa labas ng kwarto ni Matthew, biglang dumating si Clara at masama itong nakatingin sa kanya. Nang mapatingin siya ay tumaas ang kilay nito.
“Bakit ka nandito? Trabaho ko na linisan ang kwarto niya kaya umalis ka!” sambit nito. Napakunot ang kanyang noon sa inaasal nito.
“Bakit ganyan ka makapag-react? Inutusan lang ako ni Manang Divina at sumunod lang ako. Sana kay manang ka nagreklamo hindi sa akin,” sambit niya rito. Napuno na siya dahil walaa na sa lugar ang pagtataray nito.
“Just get out of here. Ako ang maglilinis dito,” sagot nito. Napahinga na lang siya ng malalim at dinampot ang gamit sa paglilinis at walang pasabing iniwan ito. Hindi na lang siya makikipagtalo rito. May ginagawa talaga sila pero dahil tanghali na, siya ang nautusan ni Divina na linisan ang kwarto ni Matthew. Nagmeryenda pa kasi ito kaya siya ang nakitang utusan. Sumunod lang naman siya dahil iyon naman ang trabaho niya.
Bumalik siya sa likod para tumulong na ulit sa pagwawalis, saktong pabalik sa loob si Divina kaya nagkasalubong sila dahil sa kusina siya dumaan.
“Oh, Stella, tapos mo na ba linisan kwarto ni Matthew?” bungad nito.
“Si Clara na raw po bahala roon. Nakiusap siyang siya na lang daw po ang maglilinis. Ayoko po sana pero mapilit siya kaya po pinagbigyan ko na lang. Pasensya na po,” wika niya.
"Ganoon ba? Siya, ayos lang, hindi mo kailangan humingi ng pasensya. Maiwan ko muna kayo sa pagwawalis at ako’y magluluto na,” paalam nito. Tumango na lang siya saka nagpatuloy sa paglalakad papunta sa likod upang magwalis sa malawak na lupa ng mga Del Frado.
Dahil sabado ngayon, tulong-tulong muna sila sa pagwawalis sa likod. Malawak iyon at maraming punongkahoy kaya hindi kakayanin kung isa lang ang magwawalis. Habang nagwawalis siya, naisip niya ang ginawa nito. Hindi siya pabor sa pagtataray nito pero nagpasalamat siyang nakipagpalit ito dahil ayaw niyang sa loob magtrabaho. Nahihiya na naiilang kasi siya sa pamilya Del Frado. Lalo na ngayon, uuwi ang padre de pamilya kaya mas lalo siyang naiilang. Masiyado kasing seryoso si Marvin at nakaka-intimidate tingnan katulad ng panganay na anak nito na si Elvin. Kahit hindi naman siya napapansin na mga ito, naiilang siya. Mabuti na lang at iba-iba si Myra dahil palangiti ito sa kanilang lahat. Okay rin sana si Matthew pero ayaw niyang mapalapit dito. Napailing siya sa naisip at agad iyon iwinaksi. Nag-focus na lang siya sa pagtatrabaho.
**
Paglabas naman ni Matthew ng kanyang kwarto, nagulat siyang hindi na si Stella ang naghihintay roon. Kundi si Clara.
“Where’s Stella?” tanong niya rito. Gusto sana niya ulit magpasalamat sa ginawa nito sa kanya kagabi. Sa dami kasi ng kasambahay na pumasok doon, ito lang ang nakausap niya ng ganoon. Dahil kadalasan, sa kama na sila nag-uusap ng kasambahay na nakakausap niya noon.
“Uhm, may ginawa po sa labas, sir,” sagot nito at lumapit sa kanya.
“Bakit ninyo hinahanap ang mataba na ’yon? Nandito naman ako. Willing akong paglingkuran ka kahit sa kama…” bulong nito. Bahagya siyang nagulat sa sinabi nito pero ngumiti rin kalaunan.
“Sorry, hindi ako nagpapasakay o sumasakay sa teenager,” wika niya. “Pero sir, hindi—”
“Pakilinis na lang ng kwarto ko. I have to go.” Hindi niya pinatapos ito sa pagsasalita at nagmadaling bumaba ng hagdan. Alam niyang gusto nito na sakyan niya ito sa kama, dahil kilala niya ang mga ganoong klase ng babae. Pero hindi rin siya ganoon kauhaw sa babae at s*x para patulan ang isang bata para sa kanya. Although hindi siya sigurado sa edad nito pero base sa mukha nito ay mukha pa itong nasa twenty’s lang. At ayaw niya ng ganoon.
Napasimangot at napahigpit ang hawak ni Clara sa mop bago nagmartsa papasok sa loob ng kwarto ni Matthew.
–
Pagdating ni Matthew sa company, dumiretso agad siya sa conference room. Sinalubong pa siya ni Rina na bakas ang paghihintay sa kanya. Sinamahan siya nito sa loob ng conference room.
“Finally, you're here!” sambit ni Mr. Carlos. Isa sa board of directors at shareholder ng company.
"I’m sorry, I’m late,” wika niya at naupo. "Ano ang pag-uusapan natin?” tanong niya at tiningnan ang pitong taong nasa loob ng conference room.
"Mr. Del Frado, ano itong nababalitaan namin na tinanggal mo si Mrs. Santos para ipalit sina Mr. Benitez at Andrews. Is that how you run your business?” tanong ng isa.
“I’m sorry to correct your accusation, Mr. Cruz. But, I’m not removed her from my company. She insisted on withdrawing her shares from my company. So, sino ako para pigilan siya?” tanong niya.
“Dahil tinanggap mo ang dalawang taong ayaw niya. At hindi mo pa sinabi sa amin ang plano mong ito!” sabat ng isa.
“I am a businessman, so what would you expect from me if someone who's into business wants to invest in my company? Reject them? No. Because, I believe that when you are business minded, personal problems are excluded when you talk about business. Ganoon lang ang ginawa ko. Isa pa, hindi ko pa naman sila tinatanggap. Balak ko pa lang na kausapin sila by Monday para rin maipalam sa inyo ngunit pinangunahan na ako ni Mrs. Santos,” paliwanag niya. “And I would like to take this opportunity para pag-usapan ang tungkol sa bagong investors. By Monday, we are going to sign a contract and discuss the agreements,” dagdag niya na tila wala lang sa kanya ang pagkawala ni Mrs. Santos.
“Ganoon lang kadaling para sa ’yo na pakawalan si Mrs. Santos? She's been faithful to your company and is a shield to your company when a lot of your rivals want to attack you. Pagkatapos, ganoon mo lang siyang kadaling pakakawalan?” tanong ni Mr. Cruz. Tiningnan niya ito.
“Yes. I’m thankful to what she'd done to my company but business is business. Kung hindi niya kayang isantabi ang personal niyang problema sa bagong investors, then she's not really a business woman,” sagot niya. Napailing si Mr. Cruz sa sinabi niya.
“Talaga ngang mayabang ka,” sambit nito. Ngumiti siya dahil sa sinabi nito.
“If you want to follow her, go. Just don't you dare insult me in my own company,” wika niya at tiningnan ang ibang naroon. “Kung sino pa ang gustong umalis, go. Hindi ako manghihinayang sa inyo dahil kung tutuusin, mas nagbe-benefit kayo sa akin kaysa ako at ang kompanya ko sa inyo,” sabi niya. Hindi nakaimik ang mga ito pero tumayo si Mr. Cruz.
“Siguro nga, pero kahit ganoon, nagtatrabaho naman kami ng maayos. Hindi kami basta lang umaasa sa ’yo o sa company mo. Kumita man kami, at least pinaghihirapan naman namin,” wika nito. Ngumisi siya.
“Really, Mr. Cruz? Lahat ng suggestions mo hindi pumasa. Lahat palpak, kaya ano ang pinaghirapan mo kung wala ka namang na-isubmit na project o suggestions pumatok sa tao? My business does not need a person like you. Kaya nitong tumaas ang sales kahit wala ka. My liquor is the best for everyone,” wika niya. “Anyway, you don't need to leave my company because I made my decision. I will remove you—”
“Alright, Matthew. Thanks for how many years we've been together and I think this is the end of our partnership,” sambit nito at naglakad palabas ng conference room. Napabuntonghininga siya at tiningnan ang mga naiwan.
“Meeting adjourned. If any of you want to follow Mr. Cruz and Mrs. Santos steps, then you are free to leave,” wika niya. Walang nagsalita sa mga ito at marahan lang na nagtayuan saka isa-isang lumabas ng conference room. Maging si Rina ay lumabas din, tila naramdaman nito na gusto niya munang mapag-isa.
Napasandal siya sa upuan at napahinga ng malalim bago pumikit. Medyo na-stressed siya sa araw na iyon kaya kailangan niyang mag-relax pero hindi siya sa bar pupunta, kundi uuwi siya sa kanila. Dahil pakiramdam niya, gusto niyang mag-chill lang doon kaysa makipaglandian sa mga babae.