Hindi na pinatagal ni Elvira ang oras. Sa Austin, America, July 25, 10:00 am. Naganap ang kasalan nina Matthew at Stella. Ngunit tila hindi iyon naramdaman ni Stella. Pagkatapos na pagkatapos ng kasal ay nagyaya na agad umuwi sina Matthew at Elvira. Pakiramdam niya, hindi siya ikinasal dahil ramdam na ramdam niya na napipilitan lang talaga si Matt. Hindi naman din siya nag-expect ng kahit ano pero hindi rin niya inasahan na ganon pala ang mararamdaman niya. Kaya imbes na magmukmok pa sa nangyari, pinili na lang niyang pumikit habang nakasakay sa eroplano pabalik ng Pilipinas. – After 17 hours, nakalapag ang eroplano sa Philippines Airport. Naghihintay na agad sa kanila ang driver ng mga Del Frado. She's so tired. Gusto na niyang magpahinga pero tila nagising ang diwa niya nang mapansi

