**
Ala syete na at naghahain na sila ng pagkain sa lamesa para sa dinner ng pamilya Del Frado. Tumulong na sila kahit bukas pa sila magsisimula dahil sa nakapagpahinga na rin naman sila. Hindi na kumontra si Divina sa kagustuhan nila.
Nakaupo na roon sina Elvira, Marvin na ama ni Matthew, si Elvin na kuya niya at si Myra habang naghihintay sa pagdating nito.
“Where’s Matt? I told to him to go home early,” sambit nito habang nagsasalin siya ng tubig sa baso. Kahit nagbilin sa kanya asi Matthew ay hindi siya umimik dahil ayaw niyang mag-isip ng iba si Elvira tungkol sa kanya. Ngayon niya lang nakita ng personal ang pamilyang ito kaya naman namamangha siya kung gaano ito mga kadisiplina pagdating sa hapag pwera kay Matthew. Gwapo rin si Elvin pero mas matured itong tingnan, siguro dahil sa ito ang panganay. Hinuha niya’y katulad din ito ni Matthew na mahilig sa babae. Si Myra naman na middle child ay tila seryoso sa buhay at negosyo na malayo sa dalawang lalaki ng Del Frado.
Pagkasalin niya, bumalik muna siya sa kusina at doon sila maghihintay. Mamaya pa sila kakain pagkatapos ng mga ito. Naririnig din nila mula roon ang pag-uusap ng pamilya.
*
“I asker his secretary, sabi pauwi na raw si Matt. Let's wait him,” sagot ni Myra.
“Hindi pwedeng maghintay ang pagkain. Kumain na tayo kahit wala siya. Alam niyang may dinner ngayong gabi pero ginawa pa rin niya ito,” sambit ni Marvin. Seryosong ang boses nito kaya hindi na nakaimik ang mga ito at sinimulan na ang pagkain.
Sa kalagitnaan ng pagkain ng mga ito, narinig nila ang pagdating ng sasakyan ni Matthew pero hindi sila tumigil.
“Good evening! Am I late—” Napatigil ito nang makitang patapos nang kumain ang kanyang ama. Tiningnan ito ng kanyang ama.
“Bago mo sana unahin ang ibang bagay, unahin mo muna ang kung ano ang kailangan sa bahay. Pinaalalahanan ka na ng iyong ina na huwag ma-late sa dinner na ’to pero ginawa mo pa rin. Tanggalin mo ang ganyang pag-uugali, Matthew,” wika nito.
“Pasensya na po, dad,” sagot niya at umupo sa tabi ni Myra.
“Kumain ka na,” saad nito at tumayo. “Just eat. May aasikasuhin lang ako,” sabi nito. Ayaw nitong umaalis sa hapag hangga't hindi pa tapos ang lahat kumain, except kapag may mga importanteng kailangan gawin. Hindi sila sumagot at nagsimula na rin siyang kumain.
“Ano na naman ginawa mo? Baka kung ano na naman kalokohan ang inatupag mo,” sambit ng kanyang ina.
“Sa trabaho, mom,” maikling sagot niya. Tumaas ang kilay nito sa kanya.
“Galing office pero ganiyan ang suot mo?” tanong nito.
“Umuwi ako sa condo, mom, at nagpahinga lang doon. Nakatulog ako kaya na-late ako sa dinner,” pagsisinungaling niya. Tiningnan lang siya ng kanyang ina at hindi na umimik. Tahimik siyang nagdiwang dahil hindi na ito nagtanong pa, sapagkat hindi na niya alam kung paano pa siya magdadahilan.
Tahimik siyang kumain at hindi na nangamba pa sa ginawa niya.
**
Pagkatapos kumain ng mga amo nila Stella, sila naman ang kumain. Sabay-sabay silang lima at si Divina. Kung ano ang kinain nila Elvira ay ganoon din ang kanilang kakainin. Magkatabi sila ni Mira at tahimik lang silang kumakain.
Habang kumakain sila, pumasok si Matthew at kumuha ng tubig sa ref. Hindi niya ito pinansin at patuloy lang siya sa pagkain.
“Stella,” tawag nito kaya napaangat siya ng tingin. “Po?” sagot niya.
“Pwede ba kitang makausap mamaya pagkatapos mong kumain?” tanong nito. Napalunok siya at dahan-dahang tumango. Hindi na ito sumagot at uminom na lang tubig saka umalis. Walang nagtanong sa mga kasama niya, kaya nakahinga siya ng maluwag. Dahil mukhang hindi naman nag-iisip ng iba ang mga ito. Pero nang maramdaman niyang may nakatingin sa kanya, napatingin siya kay Clara. Ang isang babaeng mataray na kasama nila sa kwarto. Masama itong nakatingin sa kanya at nang tumingin siya ay pairap itong umiwas ng tingin. Nagkibitbalikat na lang siya sa ginawa nito.
Pagkatapos niyang kumain at magligpit, nagpunta siya sa bandang kanan ng bahay kung saan mayroong swimming pool. Doon naghihintay si Matthew sa kanya.
“Sir, ano pong pag-uusapan natin?” tanong niya. Nakaupo ito sa isang upuang bakal habang uminom ng wine.
“Hindi ba at nagbilin ako sa ’yo kanina. Hindi mo ba sinabi?” tanong nito nang hindi siya tinitingnan.
“Pasensya na po kayo, nawala po sa isip ko,” mahinahong sagot niya.
“Ganoon ba? Okay. Hindi naman ako pinagalitan ni dad, although inalam ko lang kung bakit hindi mo sinabi,” wika nito. Napatango na lang siya.
“Sige po, sir. Aalis na po ako,” wika niya at tinalikuran si Matthew kahit hindi pa sumasagot. Ayaw niyang pag-isipan siya ng iba kaya ayaw niyang magtagal doon.
Pagbalik niya sa kwarto nila, nasa b****a ng pinto si Clara na tila hinihintay siya. Nang makita siya nito ay tumaas ang kilay nito sa kanya. Hindi niya ito pinansin at wala rin naman din itong sinabi.
“Ano sabi? Pinagalitan ka?” tanong ni Mira. Mahina lang na tanging sila lang nakakarinig.
“Hindi naman. May itinanong lang,” sagot niya at ngumiti. “Ah, mabuti naman. Akala ko pinagalitan ka. Siya, matulog na tayo dahil bukas na magsisimula ang trabaho natin,” wika nito. Tumango na lang siya at humiga na siya. Sumampa naman ito sa itaas para matulog. Napansin niyang nagdadabog si Clara nang humiga ito. Pero hindi niya pinansin dahil hindi naman sila close.
**
KINABUKASAN
Maaga silang bumangon at agad na nag-almusal. Habang nag-aalmusal sila, tinuturo na ni Divina sa kanila ang mga dapat nilang gawin at linisin. Kailangan i-check ang pool kung may mga dahon at linisin, ang mga kwarto sa second floor except sa office ni Elvira. Ang sala kailangan i-mop. Ang mga divider kailangan punasan at alisan ng alikabok. Sunod ay ang labas kailangan walisan.
Nang matapos sila mag-almusal, nagkanya-kanya na sila ng kilos. Nagpresita agad si Clara na ito ang maglilinis ng kwarto ni Matthew na wala naman kumontra. Siya na lang ang nagpresitang magwalis sa labas dahil gusto rin niyang madiligan ang halaman. May mga bulaklak kasing tanim sa mansyon na iyon na nasa kaliwang bahagi ng bahay.
Habang nagwawalis siya ay kumakanta siya. Sa ganoong paraan, pakiramdam niya gumagaan at bumibilis ang trabaho niya. Malawak ang wawalisin niya, mula pagpasok ng gate, hanggang papunta sa likod bahay. Pero hindi iyon alintana para sa kanya dahil para naman iyon sa kapatid niya.
*
Samantala, habang naliligo si Matthew ay nakarinig siya ng katok sa kanyang pinto. Dahil nasa loob siya ng cr ay sumigaw na lang siya.
“Sandali lang, nasa banyo ako.”
Patapos na rin naman siya kaya binilisan na niya. Pagkatapos ay lumabas siya ng nakatapis lang ng tuwalya sa kanyang beywang. Lumapit siya sa pinto at binuksan iyon. Bumungad sa kanya ang babaeng nakita niya sa maids room. Maganda ito pero masyadong bata kaya ayaw niyang patulan. Nakangiti ito na tila nang-aakit dahil napatingin pa ito sa katawan niya.
“What is it?” tanong nito.
“Maglilinis po ng kwarto ninyo, sir…” malanding sabi nito at pumasok. Ini-locked nito ang pinto.
“Ah, okay, paalis na rin naman ako. Magbibihis lang ako,” wika niya at tinalikuran ito. Ramdam niyang inaakit siya nito. Dahil ang suot nito ay bakat na bakat ang dibdib sa manipis na damit. Pero ayaw niyang tumalo ng bata, pakiramdam niya ay teenager lang ito.
Nagbihis na siya ng white t-shirt, pants at coat. Marami siyang trabaho ngayon sa company lalo at may mga investors na gusto ulit mag-invest sa kanila. Kagabi niya lang nalaman kaya kailangan niyang asikasuhin ngayon. Pagkatapos niyang magbihis, lumabas na siya ng walk in closet niya at nilampasan si Clara na nagwawalis. Napasimangot pa ito pero hindi niya na lang pinansin.
“Morning, Manang Divi,” bati niya sa kanilang kasamabahay.
“Magandang umaga rin, hijo. Mag-almusal ka muna,” sagot nito pero umiling siya.
“Sa office na po. Aalis na po ako,” paalam niya saka lumabas ng bahay. Sa paglalakad niya sa bakuran nila. Napanasin niya si Stella na nagwawalis. Naririnig din niyang kumakanta ito at tutok sa pagwawalis. Hanggang sa makasakay siya ng sasakyan at makaalis ay hindi siya nito binigyan pansin.
“Nakakapagtaka, kahit sinong babae nabibighagni sa akin, kahit ang mga katulad niyang chubby. Pero bakit siya parang wala lang ako sa kanya? Hindi ba siya ganoong kaapektado sa karisma ko?” bulong niya sa sarili nang makalabas ng gate ang kanyang kotse. Tiningnan niya pa sa salamin si Stella pero hindi talaga ito lumingon.
Napailing na lang siya inalis ang tingin sa dalaga.
“Mas mabuti na rin ’yon dahil hindi ko naman type ang mga ganong may katawan,” wika niya sa sarili nang paharurutin ang sasakyan papunta sa kanilang company.
Pagdating sa kanyang office, sinalubong agad siya ni Rina. Labas na labas na naman ang cleavage nito kahit pa may blazer ito. Napapatingin siya roon pero umiwas din ng tingin.
“Nasa conference room na po sila Mr. Benitez at Mr. Andrews, naghihintay,” wika nito. Napatingin siya sa suot niyang relo at nakitang alasyete pa lang ng umaga.
“Ang aga naman nila,” wika niya.
“They really want to talk you right now. Tumawag din po si Mrs. Santos na pupunta rito dahil kakausapin din po kayo. Ini-schedule ko po siya ng 9:00 am,” sambit nito. Napatango siya.
“Okay, sige,” sambit niya at dumiretso na sa conference room. Pagpasok niya roon, napatayo ang dalawang taong naghihintay sa kanya.
“Good morning. I’m sorry, I’m late. Hindi ko ini-expect na maaga kayong darating,” wika niya.
“Inagahan na namin para abutan ka namin dahil baka maging busy ka kung mamaya pa kami. We really want to invest in your company,” wika nito. Malalapit ito sa kanilang pamilya lalo na sa kanyang ama, kaya marahil gusto nitong mag-invest bukod sa malaki ang kinikita ng mga alak nila. Naupo siya at tiningnan ang dalawa.
“What we're you talked about with my dad?” tanong niya.
“Sabi niya, ikaw ang kausapin namin dahil ikaw nga ang nagma-manage ng mga alak. Ayaw niya raw mangiealam,” sagot ni Mr. Benitez.
“Yes, since we really want in your business, pinuntahan ka na namin,” singit naman ni Mr. Andrews.
Napahinga siya ng malalim. Hindi agad siya makapagesisyon dahil sa katunggali ni Ms. Santos ang dalawang ito sa negosyo. Parehong delata ang produkto nila kaya nahihirapan siya. Ito rin marahil ang dahilan kaya tumawag si Mrs. Santos kay Rina.
“So what is your decision? We are willing to wait,” sabi ni Mr. Benitez.
“Okay. Hayaan ninyo muna ako mag-isip, dahil negosyo ang nakasalalay rito. Ayokong basta-basta magdesisyon. Kung okay lang sa inyo, pag-iisipan ko muna,” sambit niya. Napatango ang mga ito at tumayo.
“Sige, ikaw ang bahala. Basta tawagan mo lang kami kung ano man ang desisyon mo,” wika ni Mr. Andrews. Napatango siya at tumayo rin para makipag-shake hands sa mga ito. Pagkatapos ay lumabas na. Napaupo ulit siya sa upuan at napabuntonghininga.
“Problema ’to,” bulong niya. Kilala niya si Mrs. Santos. Mabuti itong kasosyo sa negosyo pero matindi itong katunggali. Kaya nitong gawin lahat para mapabagsak ang negosyo ng kalaban. Marahil kaya gustong mag-invest sa kanila nina Benitez at Andrews ay dahil sa nalulugi na ang kompanya ng mga ito. Napailing siya at saka tumayo para lumabas ng conference room. Pumasok siya sa kanyang office at tinawag si Rina.
“Sir, ano po ang kailangan ninyo?” tanong nito. Na-appreciate niya si Rina sa oras na ito dahil alam nito kung kailan dapat magseryoso sa trabaho.
“Bigyan mo ako ng update sa company ng Benz and Andrews,” wika niya.
“Copy, sir,” sagot nito at umalis. Lalong sumakit ang ulo niya nang makita ang mga papel na kailangan i-review at pirmahan na nakapatong sa mesa niya.
Sa oras na ito, kakalimutan muna niya ang diamond bar at babae dahil kailangan niyang mag-focus sa trabaho. Kaya bago pa man dumating si Mrs. Santos ay sinimulan na niya iyong trabahuhin.