Amaya Buhay siya... buhay ang kaibigan ko! "Pwede bang huwag mo na akong yakapin Amaya?" Mas hinigpitan ko ang pagyakap sa kaniya. Hindi ko na siya gustong bitawan! Nakita kong nagsimula ng gumawa ng camp fire si kuya ninja sa pwesto nila. "Haayyy..." Nagsimula na siyang lumakad pero hindi ko siya binitawan sa pagyakap kaya napakaladkad ako. Akala ko kasi patay na 'tong si Benetha eh! "So, anong gagawin natin sa bwesit na cat demon na 'to?" Tanong ni Benetha kay Ember. Cat demon? "Korea is in danger! That's why I needed that stone to protect Korea and my son! And any of you didn't know what's coming... and without that, stone... I won't be able to stop them..." Seryosong sabi ng Babae kaya kumalas na ako sa pagkayakap kay Benetha at tumayo ng maayos. Tumayo si kuya ninja at lumapit s

