Amaya Nagtaka ako kung bakit nandito ako sa isang napakadilim na lugar kaya biglang may nginig na dumaan sa likod ko. "Tao po?! May tao po ba dito?!" Sigaw ako ng sigaw pero wala pa rin eh, it's no use... natatakot na ako. Puro itim lang talaga kasi ang nakikita ko eh, except sa pwesto ko na parang may nagbigay ilaw sa akin galing sa itaas. Umupo ako at niyakap ang mga binti ko habang nasa loob ako sa isang napakadilim na lugar. Ano ba 'to?! Pagkatapos 'nung nangyari kanina sa Wommit ito na naman?! Lord! Maawa ka naman sa akin oh! "Amaya?!" Huh? Sino 'yun?! May nakita akong isang silhouette ng lalakeng nakasuot ng hood at lumapit sa akin. Nakita ko ang suot nito at nanlaki naman ang mga mata ko. Si Allen ba ito? Hindi! "S-Sino ka?!" Tanong ko sa kaniya at tumigil ito sa harapan ko. Ni

