Amaya Nandito kami sa meeting room ngayon kasama ang mga kasamahan ko pati na rin si Rave. Umalis na ang Headmaster namin at nawala na rin 'yung mga multo kanina dito sa mga upuan. Kailangan ko pang magpraktis ng martial arts. Tsaka Japan?! Baka isang ninja ang nagnakaw ng stone?! O baka- "Amaya, nakikinig ka ba?" Hinawakan ko ang ulo ko at binagok ito sa mesa pero hindi malakas. Hindi ko pa alam kung pano magkarate! Diba ang hilig magkarate ng mga Japanese?! Teka... Karate ba 'yun o Kung Fu? "WUY! MAKINIG KA BALIW!" Inangat ko ng ulo ko at bigla kong sinampal 'yung sumigaw sa tenga ko! Bwesit kasi 'tong bakulaw na 'to eh, palaging sinigasiwan ang tenga ko! Kaya lasapin mo ang sampal ko bakulaw! "Isa pang sigaw bakulaw, itapon talaga kita dun sa dagat at ipakain sa pating." Seryosong

