Amaya Halos napatalon ako dahil sa biglaan nalang sa pagbukas ng malakas sa pinto kaya napalingon ako nito- Napalaki nalang ang mga mata ko na nakita siya ulit. Ember... "Oh my gosh! Si Ember!" "Halah... anong ginagawa niya dito?" "Huy... tingnan niyo ang mukha ni Ember!" "Anong nangyare sa kaniya?! Natatakot ako!" "Al- I mean Ember!" Sabi ni Jed. Parang umiba nga ang itsura ng mukha niya... I need to get out of here. "Uhmm... Jed, I think I shall be off, I don't want to be late for class." Nanginginig ang mga kamay ko ngayon dahil takot ako sa nilalang na nakatayo diyan sa pinto na parang kulang nalang papatayin na niya ako dahil sa pagtitig niya! Papunta na ako sa pinto kaya kinakabahan na ako, nanginginig ang mga tuhod ko pero pinilit ko itong palakarin at pinagpawisan na ako.

