Amaya Bakit ba siya galit sa akin? Kanina ang bait bait, tapos ngayon galit?! Hayst... nagpapanggap pala ako bilang Aquila kanina. "S-Sorry... s-sumakit kasi-" "Shut up! Sa susunod na tumakas ka na naman sa misyon mo, malalagot ka na talaga sa akin." Napabilog naman ang mga mata ko dahil umiba na talaga si Ember. Hindi naman siya ganito noon ah. Bigla namang pumasok sa utak ko si manyak. Baka sinabi niya kay Ember 'yung nangyari naming away kaya nagkaganito na siya sa akin ngayon? "Saan ba si Aquila?" Tanong niya kaya ikinuyom ko ang mga kamao ko. Puro nalang Aquila 'tong nasa bibig niya... "Ah... 'yung girlfriend ko? Inuwi ko na sa bahay namin." Napatingin naman ako kay Zage na hindi makapaniwala. Binitiwan niya ang kamay ni Benetha at bigla nalang lumakad si Ember papalapit kay Za

