Amaya's POV
"S-si Ember?! Si Ember! Nasan ba siya?! Diba malakas 'yun?! Siya nalang ang bahala sa mga mokong na iyan!" Tanong ko sa babae na nakasabay kong tumakas kanina habang niyakap ang sarili ko dahil sa lamig. Buti hinila niya ako papalabas ng kwarto ko kanina, muntikan na kasi akong tinalunan ng tagageothem na 'yun buti nagfullspeed ako sa pagtakbo papunta sa labas ng dorm, pero ang lamig dito sa labas... Brrrrr...
Tiningnan niya ako habang napakamot sa ulo niya. "'Yan nga ang problema eh! Wala si Ember tuwing gabi dahil may pinupuntahan silang misyon kasama si Benetha and Earth Element Guardian!" Tuwing gabi? So ibig sabihin, routine na niyang mawawala sa gabi?! Patay kami ngayon! Hating gabi na ngayon tsaka dun pa umeepal ang mga tagageothem na 'yun! Teka... Anong tagageothem?
Yumuko ako at nag-isip ng paraan para sa problemang ito.
Tiningnan ko ang paligid ko at may naisip na ako ng paraan! This world possesses magical powers and since marami kami at dalawa lang 'yung tagageothem na 'yun hindi ibig sabihin na mapapatumba nila kami. Napatumba nga ni Ember ang maraming tagageothem 'nung nangyaring pagkidnap niya sa 'kin!
But these girls are not like Ember... Pero mababawi naman sa numbers namin na ang rarami namin.
I need someone who can do a clone. Lumingon ako sa mga babae dito sa labas at sumigaw. "GIRLS! MAY PLANO AKO!" Sigaw ko sa mga babae at lumingon naman silang lahat sa akin.
If plan A fails... Parang magkaharapan kami ng dalawang iyon.
Athea
"AAAAAHHHH!!!!"
"TAKBO!!!"
"B-BITIWAN MO AKO!!! AAAAHH!!!"
Rinig na rinig ko ang mga sigawan ng babae sa labas ng kwarto kaya bumangon ako sa kama. "ARRGHHH!!! BA'T BA ANG INGAY INGAY DIYAN SA LABAS?!" Teka... Diba kaaway ko 'yung malandi kanina? Ba't nasa kwarto na ako ngayon?! Ugh! 'Wag mong sabihin "ME" na natalo ka sa low ranked na 'yun?! Argh! I am a representative of the Fire Element Guardian! Tsaka sino ba ang nagdala sa akin dito sa kwarto ko?!
Padabog akong bumaba sa kama at dumeretso sa pintuan saka binuksan 'to. Padabog akong lumakad sa sala at pinihit ang door knob, halos masira ko na ang door knob dahil sa galit ko! Nakakadisturbo kasi 'tong nasa labas! Nasisira tuloy beauty sleep ko! Hayy! Bwesit!
I opened the door wide open and screamed my lungs out. "HUWAG NGA KAYONG MAINGAY! NAKAKADISTURBO NA KAYO! KUNG GUSTO NIYONG MAGLARO! DUN SA LABAS! HINDI 'TO PLAYGROUND!!!" Sigaw ko. Nakakaimbyerna na kasi! Hating gabi na at naglalaro pa! Hindi na sila mga bata para maglaro ng habulan or something na pambata games! Sa Milim sila dapat maglaro dahil hindi di-
"Rave..." Wait...
Huh? U-Ugly...
Geo-Geothemians?
"Let's get her..." Sabi ng pangit na beast na may suot na ragged cloak kaya napakurap nalang ako nang bigla niyang hinawakan ang wrist ko gamit ang nakakadiri niyang kamay!
I hurriedly pulled my wrist back and screamed my lungs out! "Aaaahhh!!! Ew! Ew! Ew! Ew! Don't touch me!" Sigaw ko sabay sara ng malakas sa pinto and locked it! My God! Ba't may Tagageothem na nakapasok?! Nasira ba ang Melton gate?! Dapat gagawa ako ng paraan! But.... that creature touched my wrist!
I groaned in a total disgust!
Kailangan kong makaalis dito! Without using that disgusting door, nahawakan na iyan ng Geothemian na 'yun kaya hindi ko hahawakan iyang pintuan na iyan, unless it's 100% clean!
The low class's room caught my eye kaya may plano na ako.
And I will give her a surprise when she comes back.
Amaya's POV
"Okay! Good?!" Tanong ko sa kanila habang nagthuthumbs up.
"GOOD!" Sigaw nilang lahat.
Lumapit ako kay Benetha at tumabi sa kaniya. "Ready ka na ba?" Tanong ko sa kaniya. Kasama ko siya para sumulong sa loob ng dorm.
✳FLASHBACK✳
"GIRLS! MAY PLANO AKO!" Sigaw ko. Sa totoo lang kinakabahan ako, baguhan palang kasi ako dito sa unknown world na 'to tapos biglang maglelead sa mga kadormmates ko. Sana gagana 'tong plano ko... Well, it's a 90% sure naman na gagana 'to eh. Plus, alam kong may mga kapangyarihan 'to sila. I just pray that someone has the ability to summon a clone.
"Babae, ano bang plano mo? Kanina pa kami nagaantay sa "PLANO" mong sinabi mo kanina." A-Ah... Lutang na naman ang utak ko.
I raked my hair and cleared my throat. Hindi ko pa pala natalian ang buhok ko "A-ah... sorry... Ito kasi ang plano... Ah... Erm..." Utal kong sabi habang nakakamot sa ulo ko. Eh paano kasi eh! Kinakabahan kasi ako!
Kumunot nalang ang noo nito. "Pwede bang pakibilisan? Nagsasayang ka lang kasi ng oras eh! May mga kaibigan pa ako diyan sa loob na hindi pa nakakalabas!" Napayuko nalang ako dahil sa hiya, but I just ignore that girl's words at taas noo ulit akong nagsalita sa kanila. Mas mahirap pa pala ito ihandle kesa sa Section namin sa school na puro makukulit. Parang ang daming maiinitin na ulo dito.
"May plano ako! Dapat may dalawang bumalik sa loob ng dorm-" Bigla na lang akong pinutol ng babaeng na nagrereklamo kanina.
"What?! Gusto mo bang malagay na naman kami sa panganib?!" Sigaw niya kaya napa 'oo nga' naman ang iba. I just sighed.
"Kung gusto ninyong mailigtas ang mga kaibigan niyo! Ito nalang ang tanging paraan para mailigtas natin sila! Pero kailangan ko ang tulong niyo! Ako ang mag volunteer sa isa! Kailangan ko pa ng isa! Please! May kaibigan din kasi akong hindi pa nakalabas! Kaya please! Magtulungan naman tayo dito!" Sigaw ko sa kanila. Please... Please lang... Alam kong may nangyari ng masama kay Athea doon sa loob!
Nag-alala ako sa bulong bulongan nila. "I'd rather die... To a low rank like her... Gagawa ng plano?! Pu-lease!"
"Naku! Baka papalpak iyang plano na iyan. Tayo rin naman ang mapunta sa kapahamakan baka tatakas lang iyan kapag palpak ang plano niyan, so I'll pass. I know she's very beautiful pero ngayon ko lang siya nakilala. What's her name by the way?"
Napatigil nalang sila sa bulong bulongan nila nang may biglang sumigaw. "Alamin muna natin ang plano niya bago magjudge! Ano ba kayo!" Binigyan nila ng daan ang babaeng sumigaw bago lang habang nakacrossarms ito. Teka, bakit ang dumi ata ng... warrior suit niya? Ang sexy at ang ganda niya, nakapony tail ang buhok niya at medyo nakatakip ang left eye niya dahil sa mataas nitong buhok.
"I'll volunteer." Dagdag ulit nito kaya napagaan ang loob ko.
"Aahh..." Speechless pa ako ngayon dahil ang ganda pala ng babaeng 'to. Napatingin nalang ako sa mga babaeng nagbubulongan ulit.
"Si Benetha?!"
"What? Si Benetha?! As in 'yung si Benetha Kamala?!"
"Diba galing siya sa misyon niya?!"
"Don't mind them." I snapped out of my thoughts nang nagsalita siya kaya napalingon ako sa kaniya. Benetha ang pangalan niya?
"Bago palang akong nakabalik dito, so wala akong alam kung anong nangyayari dito." Sabi nito at binaba ang sheath ng sword niya galing sa kaniyang katawan sa lupa.
"Anong plano? Tell me, ASAP." Dagdag nito kaya tumingin ako sa lupa para makapag-isip kung paano ito i-explain.
May nakita akong isang stick sa lupa kaya pinulot ko ito at nagmamadaling lumuhod para gumuhit sa lupa.
Gumuhit ako ng star, rectangle, heart, oblong at square.
"Okay! Ito 'yung dorm." Sabi ko sabay turo sa rectangle. "Tapos ako 'tong star at ikaw 'tong heart. Papasok tay-" Napatigil ako sa pagsasalita ko nang nagsalita si Benetha.
"W-wait..." Tiningnan ko siya sa tabi kong nakasquat. May mali ba sa plano ko?! Ba't niya ako pinipigilan?! Kinakabahan na ako!
"B-bakit? May... mali ba?" Tanong ko. Sabihin mong wala! Sabihin mong wala!
"Pwede bang palitan mo iyang heart? Parang.... Uncomfortable sa akin iyang shape na iyan." Eh? 'Yan lang pala? Okay then.
"Pwede bang palitan ko ng circle?" Tanong ko sa kaniya.
"Basta hindi heart." Okay...? Hate niya ang love.
Pinalitan ko na ng circle ang heart at nagpatuloy. "Sabay tayong papasok sa loob tapos ikaw magdecieve sa oblong at ako.... Magdedecieve sa square papalabas ng dorm. Pagkatapos 'nun... Wait..."
"Marunong ka bang gumawa ng-" Hindi ako nakapagpatuloy sa pagsasalita ko dahil tumayo ito ng maayos at nagsalita para purulin ang pagsasalita ko.
"Marunong akong gumawa ng clone." Eh? Mabasa niya ba isipa-
"Alam ko kung anong iniisip mo, well, too bad hindi ako marunong bumasa ng isipan. It's just written all over your face so medyo nahalata ko. Tsaka sa plano mo, mukhang kailangan talaga ito ng clone. I've done this kind of plan like hundred of times." Sabi niya habang nakacrossarms.
Bumalik ako ng tingin sa ginuhit ko. "Sige, ikaw gumawa ng clone para mahulog sila sa trap at para ang mga ibang babae na ang aatake sa oblong at square pero kailangan natin gumawa ng dalawang grupo." Sabi ko at dinraw ang dahon shape, may isang forest kasi dito sa gilid ng school.
"Dito ako pupunta sa dahon, iyang forest na 'yan." Sabi ko sabay turo sa forest.
"Ahm... excuse me? Elora po tawag ng forest na 'yan..." Sabi ng isang babae na nakahello kitty t-shirt. Huh? Hello kitty? So ibig sabihin malapit lang 'to sa lugar ko?!
I snapped out of my thoughts at nagpatuloy muna sa plano. Mamaya ko na iyon kakausapin.
Gumuhit ako ng flower. "Okay! Sa Elora ako dederetso at ikaw naman dito sa flower, 'yang maze na iyan." Nadisturbo na naman ako nang may tumaas na naman ng kamay.
"Atreyu po ang tawag ng maze na iyan." I heeve a soft sigh at nagpatuloy sa plano. Ang hirap talaga kapag wala ka pang alam sa lugar na ito.
Tumayo ako at tiningnan si Benetha. "Sige! 'Dun mo dalhin si oblong tapos aatakihin ninyo kasama sa kagrupo mo! NOW! SINO BA ANG KAGRUPO KO?!" Sigaw ko sa kanila.
✳END OF FLASHBACK✳
"Yeh.You?" Tipid na sabi ni Benetha habang inikot ikot niya ang balikat niya as stretching. I smiled, dahil sumunod sila sa plano ko.
"Ready as ever be." Bulong ko.
"Go!" Sigaw ko at tumakbo pabalik sa loob ng dorm. Tumakbo sa kaliwang hagdan si Benetha at ako naman sa kanan. Hinanap ko 'yung pinakapanget na tagageothem na monster dahil siya ang target ko. Nagpatuloy sana ako sa pagtakbo pero bigla akong napaatras at dali-daling tumago sa dingding.
Anong ginagawa nito sa kwarto namin ni Athea?! Biglang lumabas sa utak ko si Athea. Don't tell me...
Athea's POV
DONE! Hay salamat at tapos na ang tali na ginawa ko. Inubos ko talaga ang mga damit ng babaeng 'yun dito sa kwarto niya. Especially her gowns, haha! Serves her right! Hindi naman bagay sa kaniya ang mga ganitong damit eh! And I really hated her hairstyle! Ang linis ng pagkabun! At halos hindi na makikita ang mga mata niya dahil sa kaniyang bangs!
Well, whatever, kailangan ko ng makaalis dito. Kanina pa nagaantay 'tong bwesit at nakakadiring tagageothem sa labas!
Tinali ko sa paa ng kama ang tela at tinapon ito sa bintana. This will do it. Dahan dahan akong gumapang sa tali paibaba sa labas ng bintana. Bwesit kasi 'tong school na ito eh! Huhu... Bawal gumamit ng kapangyarihan kapag wala ka sa loob ng arena. Kahit nasa loob ng dorm area ay bawal parin!
"Bwesit! Bwesit!" Sigaw ko habang dahan dahang gumagapang paibaba.
"Aahh! Si Athea!"
"Si Athea!"
"Woi! Tulungan natin siya! Dali!"
I'm saved.... Pero hindi si Ember ang hero ko... Huhu... Nasan ka na ba Ember? Bwesit talaga 'yung Prince Allen na 'yun! Dahil kasi sa kaniya super busy na si Ember! I groaned loudly. Huhu, sana hindi ako mahuhulog dito...
Amaya's POV
"Athea?? Buksan mo na 'tong pinto... Kanina na ako naiinip dito... Athea~?" Malanding sabi nito habang ang boses ay parang demonyo! Buti umalis na 'yung isa dahil sumunod na siya kay Benetha.
Mukha itong isang halimaw na may balahibo sa mukha na kulay puti at nakasuot ng puting ragged cloak. So ito ang Geothemian?
Kalaban ba ang Geothem?
I shook my head at bigla akong pumunta sa gitna at nagpakita sa kaniya tapos sumigaw.
"Hoy! Manyak na mukha namang aso!" Sigaw ko at lumingon naman ito saken.
Hindi ko talaga papatawarin ang sarili ko pagkatapos nito...
"Diba gusto mo ng babae? Nandito ako oh." Sabi ko tapos nagwink ako sa kaniya. God... Ang landi ko! This is a total disgrace! Tulala na ang manyak.
"Ang ganda ko noh?" Pak! Landi pose! "Kaya habulin mo ko~!" Sabi ko at tumakbo papunta sa hagdan para bumaba at hinabol naman ako ng manyak.
"Ahehehehe huwag ka namang tumakbo~ baka mapapagod ka lang~ ahehehe" Tae! Nakakadiri! Dura! Dura! Dura! Waaah! Ang bilis niyang tumakbo! Parang isang aso tumakbo! Gyaaahhh!!!
Dali dali akong bumaba sa hagdan at lumabas sa pinto! Okay! Nandito na ako sa labas kaya ginamit ko ang fullspeed ko dahil takot ako! Dumeretso na ako sa Elora dahil nandun na ang mga kasamahan ko.
"Amaya! Dito! Dito!" Bulong ni Leinnie at lumapit ako sa kanya na nakatago sa likod ng puno.
"Nandito na siya." Bulong ko sa kaniya.
"Magandang babae... Saan ka na?" Habang hinanap ako ng manyak ay tumakbo ako sa clone ko na ginawa ni Benetha kanina at umupo para tumago. Kamukhang kamukha ko talaga 'to pero isa lang pala 'tong kahoy. Ang galing pala ng Earth element power noh? Kaya mo rin palang makontrol ang mga halaman? Tsaka ganda ko pala noh?
"Nandito ako~" Sabi ko at tumakbo naman ang hinayupak papunta dito at niyakap ang clone.
"Huli ka!" Sabi nito habang yakap ang clone ko.
"Huh?" Biglang naging matinik na vines ang buhok ng clone at ginapos ang katawan ng manyak. Tumayo ako at pinatong ang mga kamay ko sa beywang ko kaya nakita ako ng manyak.
Lumapit si Benetha sa akin habang nakatingin sa manyak na dumudugo na ang katawan nito. So, nahulog din pala sa trap 'yung isang manyak. Haha! Hahahahahahaha!
"Ew! Nakakadiri talaga ang mukha ng creature na iyan!" Athea? Akala ko nasa loob ng kwarto siya since nahimatay siya kanina?
Mas hinigpitan ni Benetha ang mga vines sa pagkagapos sa manyak kaya napatingin ako sa kaniya.
"You know... you maggots went to the wrong place." Sabi nito sa kaniya at napagroan sa sakit ang monster kaya hinawakan ko ang balikat ni Benetha para pigilan siya!
"Tama na! Nasasaktan siya-"
"A guardian never show mercy! ESpecially to a being like them!" Biglang sigaw nito sa akin kaya 'yun ang dahilan kung bakit hindi natuloy ang pagsasalita ko.
Biglang nagsisigawan ang mga babae habang turo ang langit kaya lumingon kami itaas. "Aaaaahhhh!!!"
"Aaaahhh!!"
"Dapa!!!" Sigawan ng mga babae nang may biglang lumipad na... hindi ko alam! Na papunta dito!
Nanlaki naman ang mga mata ko dahil nakatakas pala 'yung monster na tinrap ni Benetha! May tinapon siyang itim na bola sa amin kaya biglang umusok dito! Sumulong si Benetha sa loob ng usok pero ubo kami ng ubo dahil sa baho ng usok nang dahan dahang naglaho ang usok ay nawala na sila kaya nagalit siya.
"Oh no..." Bulong ko sa sarili ko.
------
Sinumbong na ng dorm President sa mga teachers ang nangyari kanina habang ang iba ay dumeretso na sa kani-kanilang kwarto pero ako nagpapahangin muna ako dito sa riverbank habang nakaupo at yakap ang mga binti ko. May iniisip kasi ako, tungkol kanina.
Alam ng tagageothem kung ano ang pangalan ni Athea. So, nasa dalawa lang ang totoo.
May tagageothem na obsessed kay Athea or may nagpapanggap na tagadito pero tagageothem pala.
Tumingin ako sa langit at ang laki talaga ng moon dito noh? Parang ang lapit lapit mo na sa moon. 'Nung pagtingin ko naman sa tabi ng moon ay may nakita akong....
Earth?
Ah! Lalabas na ang araw! First time kong makikita ang sunrise dito! Dito muna ako sandali.
Ang ganda.... I heave a sigh... Ang sarap ng hangin dito... Hinayaan ko nalang na matamaan ng hangin ang buhok ko para rin maramdaman ng buhok ko ang hangin. Hindi talaga ako nakakatulog...
Kamusta na kaya ang kaibigan ko jan sa Earth? I should get out of this place. Wala akong alam dito. I am not familiar here. At ano ba talaga ang rason kung bakit nila ako dinala dito?
Tumayo ako at nagstrech. Napatingin muna ako sa tubig at naalala 'yung insidente kahapon kay Athea. Lumapit ako sa ilog at tinaas ang kamay ko at bigla namang may umangat na tubig paitaas sa ilog at nabigla naman ako kaya bumagsak naman ito.
Tinaas ko ang kanang kamay ko at may tubig na umangat paitaas. Ngumiti naman ako dahil sa saya ko kaya tinaas ko ang kaliwang kamay ko. Inikot ikot ko ang mga kamay ko at umikot ikot din sa akin ang tubig. May nakita pa akong mga tadpoles sa tubig kaya mas napalapad ang ngiti ko.
Haha! Ang saya! Tsaka ang cute ng mga tadpoles! Kaya lang ang lalaki nila....
I can use my abilities in this world... Parang ramdam ko tuloy na may freedom na ako... When I was 7... I knew I had this ability to control water and hear things that are very far away. Pero sabi ni mama na I should keep my abilities to myself and don't show it to anybody...
I felt sad that time. I did my hair in a lousy bun and cover my eyes for a reason. I can't let the people show my eyes. Dahil ito ang napapansin kong kakaibang kulay na mata sa buong buuhay ko. This blue eyes...
Napatigil ako sa ginagawa ko nang may narinig akong cute na boses. "Hoy! Babae! Bawal gumamit ng magic sa loob ng school!" Huh? Sino 'yun? Wala namang tao dito ah!
"Nah... Baka isipan ko lang 'yun." Pinagpatuloy ko lang ang ginagawa ko dahil ang saya kasi!
May biglang sumabunot sa buhok ko pero maliit lang na buhok ko ang nahila kaya medyo napatingin ako sa itaas.
"Sabing bawal gumamit ng magic sa loob ng school!" School? Ano bang pinagsasabi niya? Hindi 'to school! Ilog 'to! Ilog! Tsaka wala naman akong nakikitang school!
Gusto kong bawiin ang buhok ko pero kung ibaba ko ang kamay ko, mababasa ako sa tubig na nasa itaas ko. "A-aray... Oo na! 'Di na ako gagamit!" Sabi ko at ibinaba ang mga kamay ko kaya naulanan tuloy ako ng kaunting tubig. Kasalanan kasi 'to sa ng nanghila eh.
"Ember?!" Biglang may tumabing langaw sa tabi ko kaya handa ko na sanang paluin itong langaw na 'to but suddenly... I just stayed frozen.
F-f-fairy... May fairy! 'Yan 'yung nanghila ng buhok ko?!
"Hoy! Babae! Tulongan mo naman si Ember!" Wha? Si Em-
Nakita kong nakahiga na punong puno ng dugo ang cloak ni Ember sa lupa. I just covered my mouth in shock.
Oh my God...
Ba't andami niyang sugat?