Allen Nasaan ba ako? Wait... this place... bumangon ako saka tumayo sa lupa... "Hahahahaha!" Nabigla nalang ako na may isang batang tumakbo papunta sa akin na parang usok lang kaya napahawak ako sa tyan ko. T-Teka... Halos hindi ko maigalaw ang buo kong katawan dahil sa nakita kong batang may puti at maikli na buhok habang may suot na color gray na cloak saka lumingon ito sa akin. "Amaya! Bilisan mo naman!" Ako ba- Lumingon ako sa likod ko at nakita ang batang babae na nakatali ang buhok habang nakatakip ang mga mata nito sa kaniyang bangs. "Ang bilis mo kasing tumakbo eh! Haah! Whoo!!" Si... Amaya ba itong bata? "Woi! Ember! Dahan dahan lang kasi sa pag- WOI! ANONG GINAGAWA MO?!" R-Rave? Lumingon ako sa batang ako at nasa itaas na ako ng puno... ang kulit ko pala noon? "Kailangan k

