Amaya Nandito ako sa loob ng kwarto ko ngayon, tulala sa bintana habang nakaupo sa upuan. Grabe ang first day ko sa Cladonia Academy... parang... isa akong outsider, magka-iba kasi ang uniform namin eh! Sa mga Elemental Guardians ay puti ang uniform habang sa mga normal na estudyante, including the officers ay itim ang uniform. Kay Allen naman... mataas ang uniform coat niya, kulay puti tapos may silver na design sa hem 'nun. Ang gwapo nga niya kanina eh... Biglang nagpicture out 'yung nangyaring away namin ni Zage kaninang umaga sa school at 'nung nagalit si Ember sa akin. Sa totoo lang, 'nung recess na ay kasama ko si Zikon 'dun sa loob ng cafeteria pero lumayo nalang ako sa kaniya dahil sa mga tsismis sa paligid at tingin tinginan nila sa amin. Hindi ko kasi gusto na may madamay sa

