Amaya 5:00 pm na ng umaga at nandito na ako sa labas ng gilid ng dorm habang nakaupo dito sa bench kasama si Phobum. First day of class ko na kasi ngayon eh, kaya dapat maaga ako, tsaka suot ko na rin ang puting uniform ng magiging school ko, bigay ito ng school President sa akin kahapon. Plus, sanay na akong maaga gumising, dahil mga alas tres sa mansyon ay gising na ako. Papakainin ko pa kasi ang kabayo, tapos hahanda ng pagkain, lilinis, tapos magbisbis ng mga bulaklak at magready na sa school. Hayst... nabebwesit talaga ako sa lalakeng 'yun kagabi. Ano kasi eh! Tinawagan niya akong ''no''! Eh may pangalan naman ako ah! Tapos ang manyak! Mukhang may balak pang halikan ako! Naku! Gwapo sana pero ang manyak! Mukhang nalungkot lang talaga ako kagabi kasi hindi talaga sumipot si Allen d

