Third Person's POV Nakakunot ang noo ni Zage sa magandang babaeng nasa mga braso niya dahil hindi niya ito kilala. "Hindi kita kilala, Triss." Sabi nito kay Amaya at humarap ulit sa daan. May nakitang isang sillhouette ng lalake si Zage sa daan kaya napabuntong hininga ito na nakikita na naman niya ang pagmumukha ng lalakeng ito. "Na naman..." Bulong niya kaya nagtaka naman si Amaya saka tumingin kung saan tumingin si Zage. "S-Sino 'yan?" Tanong ni Amaya at nakita niya na nakasuot iyon ng Battle uniform gaya ng Zefar Academy. Tama na nga ang hinala ko na may umuuna na habang may bumabantay sa daan kung saan tumakbo ang leader nila. "Makinig ka Leader, ikaw dapat ang makapaglabas sa arenang ito habang dala ang flag natin. Hayaan mo na ang ibang flags na nadudukot niyong makukuha ng iban

