After Graduation
Doon nagsimula ang mas madalas na pag-uusap at pagsasama o bonding nilang magkaibigan, dahil si Kath mismo ang gumawa ng paraan para magkalapit sila.
“Cuz, sama ka,” lagi nitong sinasabi kay Andrew.
“Friend, ikaw rin,” at saka kay Meri.
Magkasama din sila sa...
Mga Group chats.
Random hangouts.
Biglaang lakad na wala namang plano.
Sa una—awkward.May mga sandaling tahimik. May mga pagkakataong hindi nila alam kung ano ang sasabihin, nina Meri at Andrew.
Pero habang tumatagal—
parang unti-unting nawawala ang gap. Hanggang sa…naging normal na ang pagiging close nila. Yung tipong hindi na pilit. Kundi parang naging natural na lang ang lahat.
College – First Day
Parehong university silang tatlo at parehong course. Business Management.
Nasa campus sila, hawak ang schedules, parang hindi pa rin makapaniwala sa coincidence.
“Hindi na ‘to coincidence,” sabi ni Kath habang naglalakad sila, nakangisi.
“Parang pinipilit na kayo ng universe.” patuloy nito.
“Tumigil ka nga,” sagot ni Meri, pero hindi niya maitago yung slight na ngiti.
Sa totoo lang—
hindi rin siya makapaniwala. Sa dami ng pwedeng mangyari…nandito pa rin sila.
Magkakasama. At si Andrew?
Hindi na stranger.
Hindi na simpleng kakilala.
Kundi isang taong unti-unti ng nagiging bahagi ng araw-araw niya.
-
Weeks Passed…
Unti-unting naging comfortable ang bawat isa sa kanila sa lahat.
Mas madalas na ang kulitan.
Mas natural na ang usapan.
At hindi na awkward si Meri kay Andrew.
…kahit konti.
“Ang bagal mo maglakad,” reklamo ni Andrew isang beses habang papunta sila sa next class.
“Hindi ako mabagal, ikaw yung nagmamadali,” sagot ni Meri.
“Pareho lang,” singit ni Kath.
“Shut up, Kath,” sabay na sabi nina Meri at Andrew.
Saglit na katahimikan.
Tapos—
sabay silang natawang tatlo.
At doon ay may nagbago.
Hindi na lang basta acquaintance.
Hindi na lang basta magkaklase.
Mas malalim na ang pagkakaibigan nila.
Kung group Study Sessions
Nasa library silang tatlo o di kaya nasa Cafeteria. At Kahit saan basta magkakasama.
“Focus nga kayo,” sabi ni Meri, hawak ang libro, pilit maging seryoso.
“Focused naman ako,” sagot ni Andrew—pero nakatingin lang sa kanya.
Napatingin si Meri. Saglit lang at umiwas siya ulit.
“Andrew,” singit ni Kath, “yung reaction paper mo, wala pa.”
“Later na.”
“Ngayon na.”
“Later.”
“Ngayon.”
“Later.”
“NGAYON.”
“Okay fine,” napailing si Andrew.
Napangiti si Meri. Hindi niya napigilan.
Ang maliit na ngiti, pero totoo. Yung tipong hindi niya na iniisip kung dapat ba siyang magpigil pa ng nararamdaman.
And then…
one random afternoon. Nasa canteen sila. Walang klase. At Chill lang.
Pero yon ang time na hindi ini expect ni Meri.
“Guys,” sabi ni Andrew bigla.
Iba yung tono. Hindi usual. Napatingin silang dalawa.
“Bakit?” tanong ni Kath.
Sandaling natahimik si Andrew.
Parang nag-iisip kung sasabihin ba nito o hindi. Saka kinuha ang phone nito.
“May ipapakita ako.” saad ni Andrew.
Napakunot ang noo ni Meri.
“Ha? Ano ‘yan?” tanong ni Kath, excited.
Ngumiti si Andrew.
“At first time ko ‘tong gagawin at sasabihin sa inyo,” dagdag nito, seryoso ang mukha.
Mas lalo silang naging curious.
“Gawin ang ano?” tanong ni Meri.
Saglit itong tumingin kay Meri.
“Magpakilala.”
Hindi niya maintindihan kung ano talaga ang ibig sabihin nito, pero parang may sumikip sa dibdib niya. Binuksan ni Andrew ang gallery ng phone niya.
Pinakita nito sa kanila ang isang picture.
Isang babae.
Maganda.
Matangkad.
At soft features ang dating habang nakangiti. Yung tipong hindi mo na kailangang pag-isipan kung bakit siya magugustuhan ni Andrew
“Siya,” sabi ni Andrew.
“Siya ang hinahangaan ko.”
Parang may biglang bumagsak.
Sa loob ni Meri. Hindi niya alam kung ano. Pero ramdam niya ang bigat.
Yung pakiramdam na gusto niyang magsalita—pero walang lumalabas.
“Ah…” si Kath ang unang nagsalita.
“Wow, seryoso?”
“Yeah.” seryoso na sagot ni Andrew.
“Since when?” tanong ulit ni Kath.
“Matagal na.”
Tahimik lang si Meri.
Pinipilit niyang maging normal.
Pinipilit niyang makisabay.
“Anong name?” tanong ni Kath.
Ngumiti si Andrew.
Pero this time—
hindi na playful.
“Hindi pa niya ako kilala.”
“Ha?” gulat ni Kath.
“Pero… I’m planning to.” decided na sabi ni Andrew.
At si Meri?
Ngumiti siya.
“Nice,” sabi niya.
Simple lang.
Parang okay lang. ?Parang wala lang.
“Go for it. Support ka namin, syempre,” Sabi niya kahit na kabaligtaran ang nararamdaman. Pero para sa kanya okey lang basta makita niyang masaya si Andrew.
Si Kath napatingin kay Meri.
She knows. Ang totoong nararamdaman ng kaibigan at si Meri ang unang masasaktan.
Nang hindi na niya kinaya.
Tumayo siya. “CR lang ako.”
Naglakad siya.
Mabilis.
Pagdating sa CR—
dun lang siya huminga ng malalim.
Don lang niya nailabas—
Ang sakit.
Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit kailangan niyang umasa at masaktan? Hindi naman sila.
At wala siya dapat karapatan na masaktan dahil kaibigan lang siya at magkaibigan lang sila.
-
"Bes, sa tingin mo magugustuhan kaya ‘to ni Olivia?” tanong ni Andrew kay Meri isang hapon.
Vacant time nila, kaya gaya ng nakasanayan, tumambay muna sila sa likod ng Business Management Building.
Pareho silang walang pasok nang oras na iyon, at dahil magkaklase rin silang tatlo, automatic na magkakasama sila.
“Cuz naman,” singit agad ni Kath habang nakasandal sa upuan doon. “magbibigay ka na lang ng love letter, magpapagawa ka pa kay Meri?” Umirap pa ito ng bahagya, halatang may halong asar, alam kasi nito kung ano ang feeling ni Meri nang sabihin iyon ni Andrew.
“Hindi ako, cuz, magpapagawa,” depensa ni Andrew habang bahagyang natawa.
“Ipapabasa ko lang.” wika pa nito.
“At sino naman bang Olivia na ‘yan?” Muling sabi ni Kath, sabay sulyap kay Meri na mukhang tahimik.
“Bagong babae naman ba?” tanong pa nito. May kung anong laman ang tingin nito nang napatingin kay Meri.
Kinuha ni Meri ang love letter mula kay Andrew, pilit na maging normal ang lahat kahit parang kinukuyumos ang puso niya sa usapang iyon.
“Hayaan mo na, bes,” sabi niya kay Kath, na binasag ang kanyang katahimikan na may pilit pa na ngiti.
“Ipapabasa lang naman niya. Tsaka syempre… gusto lang niya na magustuhan ng babae ‘yung letter.”
May konting “kilig-kimi” sa tono niya, pero kung pakikinggan ng mabuti, may bahid na pilit.
“Si Olivia…ang pinakita ko sa inyo na picture kahapon, remember?,” sabat ni Andrew, halatang excited. “Personal na kaming magkakilala.”
Saglit na napatingin si Meri sa lalaki.
Parang may marahang humigpit sa dibdib niya. Pero yumuko siya at ibinaling sa sulat ang pansin. Saka sinimulang basahin ang sulat.
Habang tumatagal, lalong bumibigat ang pakiramdam niya. Hindi dahil mali ang sulat. Kundi dahil… tama ito.
Nang matapos niyang magbasa, saglit siyang napahinto. Parang may gustong kumawala sa dibdib niya, pero pinigilan niya iyon.
How she wished…
Na sana para sa kanya ang mga salitang iyon.
“Patingin nga!” biglang sabi ni Kath sabay agaw ng sulat. Binasa nito iyon ng tahimik, pero hindi nagtagal, napailing ito.
“Ang OA naman ng sulat mo, cuz,” komento ni Kath, at napasulyap kay Meri. Nakita niya ang ngiti nito.
Pero hindi niya kailangan ng mahabang oras para malaman ang totoong nararamdaman ng kaibigan,
Hindi iyon masayang ngiti.
“Hindi naman OA, bes,” sagot ni Meri, sabay tingin kay Andrew. “Ang sweet nga eh.”
Ngumiti siya. Yung tipong okay lang.
Yung tipong walang problema.
Pero sa loob niya, parang may dahan-dahang tumutusok sa puso niya.
“Sino ba talaga ‘yang Olivia na yan?” tanong ni Kath, nakataas ang kilay.
“At bakit mo nasabing hinahangaan mo siya?”
Ngumiti si Andrew, pero iba na ang ngiti nito ngayon..Yong ngiti nito na parang animo ay nasa alapaap.
“Miyembro siya sa cheerdance. Nang una ko siyang nakita, ewan ko…parang tinamaan yata ako ng psna ni Mr. kupido. Parang…parang..na love at first sight yata ako sa kanya….” Pahayag ni Andrew na nangingislap pa ang mga mata.
Napatahimik si Meri.
Sa sinabi at sa naging reaksyon ni Andrew.
“Andito naman ako, bakit hindi mo ako nakikita?” Aniya sa kanyang isipan.
“Tsaka,” dagdag pa ni Andrew,
“ang ganda ng aura niya. Hindi lang basta physical eh. Yung tipong kahit tahimik lang siya, napapansin mo.”
Napakagat si Meri sa loob ng pisngi niya.
Na parang may unti-unting bumabagsak sa loob ng puso niya.
“Wow ha,” sabat ni Kath. “Mukhang seryoso ka dito, ah.”
“Hindi naman,” mabilis na sagot ni Andrew.
“Gusto ko lang subukan. Wala namang masama, diba?”
“Wala nga,” sagot ni Kath, pero muli siyang napatingin kay Meri.
“Basta siguraduhin mo lang na hindi ka nanggugulo ng buhay ng iba.”
Napakunot ang noo ni Andrew.
“Anong ibig mong sabihin?”
“Wala,” kibit-balikat ni Kath.
“Sinasabi ko lang.”
Tahimik lang si Meri.
Pinapanood niya lang ang dalawa.
Pinapakinggan. Pinipilit maging okay.
“Bes,” biglang tawag ni Andrew sa kanya, “honest ha… okay ba ‘yung sulat?”
Napatingin siya dito.
Ilang segundo rin bago siya sumagot.
“Okay naman,” sabi niya,
“Simple lang… pero maganda at may dating.”
Ngumiti si Andrew.
Kaya lalo siyang nasaktan.
“Talaga?” tanong nito. “Sa tingin mo… magugustuhan niya?”
Saglit na natahimik si Meri.
Kung sasagot siya bilang kaibigan—
“Magugustuhan niya,” sabi niya.
Pero kung sasagot siya bilang sarili niya—
Gusto niyang sabihin…
“Sana ako na lang.”
Pero hindi niya ginawa.
Sa halip, ngumiti lang siya.
“Oo,” sabi niya. “Magugustuhan niya.”
Tumango si Andrew, halatang relieved at nasiyahan.
“Thanks, bes.”
“Anytime,” sagot niya.
Hindi napansin ni Andrew kung ano ang nararamdaman niya. Kung sabagay ayaw niya rin na malaman nito kung ano talaga ang totoong nararamdaman niya.
-
“Grabe ka rin, ha,” bulong ni Kath kay Meri nang bahagya silang maiwan sa gilid habang may kinukuha si Andrew sa bag nito.
“Anong grabe?” tanong ni Meri, pilit na casual.
“Tinitiis mo,” diretso nitong sabi.
Saglit siyang natahimik.
“Wala akong tinitiis,” sagot niya.
Pero hindi siya pinaniwalaan ni Kath.
“Kahit hindi mo sabihin, alam ko,” bulong nito. “Matagal na.”
Napabuntong-hininga lamang si Meri.
“Hindi naman lahat kailangang sabihin,” sagot niya.
“Pero hindi rin lahat kailangang tiisin at itago,” balik ni Kath.
Napatingin si Meri kay Andrew nang muling nasa harap na nila ito.
Nakangiti ito habang may hinahanap sa bag.
Walang kaalam-alam.
Walang ideya.
At marahil…
Mas okay na rin iyon.
“Okay na ‘to,” sabi ni Andrew. “Ibibigay ko na sa kanya bukas.” Parang may kumurot ulit sa puso ni Meri.
“Good luck,” sabi niya.
Ngumiti si Andrew. “Wish me luck, Bes na sana sulat ko at ako mismo ay magustuhan niya rin.” pahayag pa ni Andrew.
“Good luck ulit,” ulit niya dahil yon nalang ang nasabi niya.
—
Subaybayan kung ano ang mangyayari sa susunod na kabanata. Please follow, like at add in library para hindi mahuli sa kwento.
Kung feel mo rin ang sakit at nararamdaman ni Meri, please comment below. Open po ako sa kahit anong suhestiyon, dahil ang panig nyo ay mahalaga sa akin at para lalo kong mapaganda ang susunod na kabanata.