Habang binubuklat ni Meri ang libro galing kay Kath, ay hindi nya maiwasan na isipin ang nangyari bago siya umuwi kanina. Kinuha nya ang puting panyo na ibinigay sa kanya ng lalaki.
Muli niyang binasa ang nakaburdang mensahe doon.
“Wag kang mag-alala, darating ang taong para sayo sa tamang panahon…
Tadhana”
Bumuntong hininga siya.
Si Tadhana nga seguro ang lalaking iyon, dahil alam niya ang dahilan kung bakit ako umiiyak nang ibinigay niya sa akin ang panyo na ito.
Ni hindi man lang ako nagkwento sa kanya, pero alam niya.
“Parang nakalagay sa mensahe..,” aniya at napatigil saka tumingin sa kawalan.
“Seguro nga, hindi talaga kami ang para sa isa't isa ni Andrew…” patuloy niya sa isipan saka lumungkot ang kanyang mukha. At syempre lumungkot ang kanyang puso.
Ipinagpatuloy niya ang pagbuklat ng aklat. At nasabi sa sarili na panahon na seguro para kalimutan na niya si Andrew. Panahon na para mag move on ang tangang umiibig ng tahimik at meron one sided love na katulad niya. Dahil siya lang naman ang umiibig na hindi alam ni Andrew. At dahil, alam niya na walang magandang patutunguhan ang nararamdaman niyang iyon.
“Ito na seguro ang sinasabi ni Kath sa akin” wika niya sa sarill nang mabuksan ang pahina ng…
“ITTMOT - means ‘’It’s Time To Move On, Tanga!” Basa niya. Saka napatingin sa kawalan.
“Ganon na seguro ako katanga…” aniya at napahinto saglit.
“Ganun na ako katanga sa pagmamahal kay Andrew.”
Oo, inaamin niya sa sarili na mahal na niya si Andrew. At matagal na niyang alam iyon, na in love siya sa kanyang kaibigan.
Muli niyang binasa iyon ng tahimik.
Hindi ka tanga dahil nainlove ka sa best friend mo. Nangyayari talaga ‘yan kapag malalim ang trust, closeness, at comfort niyo sa isa't isa.
Pero oo—mahihirapan ka mag-move on kapag araw-araw mo siyang nakikita at kaibigan mo pa rin siya.
So kailangan mo ng practical steps.
Paano nga ba mag-move on sa best friend mo na minamahal mo, pero may ibang gusto? Basahin ang mga steps or tips kung paano makalimot at makaiwas na lumalim ang nararamdaman mo sa bestfriend mo:
1. Accept mo muna ang pinaka-masakit na truth.
Iwasan mong sabihin sa sarili mo na
“baka someday.”
Huwag mong paasahin ang sarili mo.
May pinili na siya.
Ang acceptance dito ay hindi biglaan—kahit na pa unti-unti lang na pag-gising sa katotohanan. Na ikaw lang ang nag-aabang sa something na wala namang space para sa’yo.
Dahil…
“Masakit kapag ikaw ang tahanan, pero hindi ka ang pinili niyang uwian.”
2. Bawasan mo ang access niya sa heart mo.
Hindi mo siya kailangang i-cut agad—pero i-limit mo.
Less chats
Less updates tungkol sa kanila (kung sila na ng taong nagugustuhan niya),
Less “kamusta kayo?” moments.
Kasi bawat update sa kanila, parang micro-knife din sa puso mo.
3. Ihiwalay mo ang “best friend” vs “love mo sa kanya”.
Ito ang pinaka-confusing part.
Best friend siya sa memories mo.
Pero ang in-love version mo, umiiral lang sa puso mo na hindi niya alam o hindi siya aware.
Ang ‘’bestfriend” at “love person” ay magkaiba ang kahulugan.
At hindi sila same person na pwedeng paghaluin ng walang sakit.
4. I-stop mo ang silent hope.
Ito ang toxic comfort zone:
“Baka marealize niya na ako pala”
“Baka ako talaga pero huli niya lang marealize.”
“Baka magbago pa ang pagtingin niya sa akin.”
Isipin mo, friend…mahirap ang palaging umaasa.
Baka, masaktan ka lang..
5. I-let go mo ang role mo sa buhay niya.
Kung dati ikaw yung:
takbuhan
comfort zone
safe space
Pero ngayon, may iba na siyang inuuwian emotionally.
Masakit aminin, pero kailangan mong tanungin sa sarili mo:
“Saan na ako sa buhay niya? Ngayon—best friend pa ba, o memory na lang ng comfort niya noon?”
6. Gumawa ka ng emotional replacement (hindi kapalit niya).
Hindi agad bagong love ha—pero bagong focus:
hobbies
bagong circle
goals na ikaw lang ang bida
Kasi kung wala kang lalagyan ng energy mo, babalik at babalik ka sa kanya.
7. I-process mo ang grief na tahimik.
Hindi lang “breakup” ang sakit—loss din ng possibility.
Ang tipo ng sakit na:
Hindi naman kayo naging official
pero parang kayo na sa utak mo dati.
At that kind of grief… mas silent, mas malalim.
Reality check, hindi naging kayo…kaya kung nasaktan ka wag mong pabayaan o sirain ang sarili mo remember tip number 6.
8. Final stage: loving him/her without holding him/her.
Ito ang pinaka-mature na turning point:
“Mahal pa rin kita, pero hindi na kita hinahanap sa bawat bukas ko.”
Hindi ito agad nangyayari—pero ito ang end goal mo.
—
Kinabukasan.
Biyernes.
Hapon iyon, pagkatapos ng klase. Walang pasok kinabukasan, kaya niyaya ni Andrew ang mga kaibigan for videoke hang out kasama syempre si Meri. Dahil, pinilit siya ni Andrew sumama…treat niya raw ito, celebration dahil naging sila ni Olivia. Hindi papayag si Andrew na hindi siya nakasama dahil napakalaki raw ang tulong niya para masagot ito ni Olivia.
Magkasama sila na nag-hang out for videoke siya, sina Andrew, Kath at syempre naroroon din si Olivia.
Ayaw niya sanang sumama pero para sa kanya, masyadong awkward kung tumanggi siya.
Sa isang resto sila na may videoke private room. Doon, panay ang sulyap ni Meri kina Andrew at Olivia na magkatabi at malambing sa isa't isa.
“Kung ako kaya ang maging girlfriend ni Andrew malambing din sya sa akin? “ Tanong ng kanyang isipan habang pa sulyap-sultap sa dalawa. How she wish siya ang nasa posisyon ni Olivia. How she wish siya ang gf ni Andrew.
Pero hindi,eh.
Puro wish na lang siya…na sana siya iyon. Na sana…hay…napahinga siya ng malalim. Lingid sa kaalaman niya na kanina rin si Kath nagmamatyag sa kanya. Kanina pa siya inoobserbahan nito.
Nakita niyang kinuha ni Andrew ang mikropono at kumanta ito ng…”Everything I Do, I Do It For You”.
To be continued…
—--
Please read the next chapter. Don't forget to follow, add in your library and sobrang na-appreciate ko po ang pag vote nyo ng story ko. Please type #Vote#
Sa next chapter, matutunghayan mo ang eksenang makakabigay ng sakit at kilig sayo.