Hindi na ata mabubura sa aking isip ang binitiwang salita ni Vincent. May naiisip ako kaso mabilis ko ring binubura dahil baka naman ay nagkakamali lamang ako. He’s probably joking. Dala dala ko iyon kahit noong nasa book signing na. Medyo na distract lang dahil sa mga readers ko ngunit sa tuwing nagkakaroon ulit ng bakanteng oras at napapatingin ako kay Vincent ay muli ko iyong naaalala. “Sa Pilipinas pala ‘yung huli mong book signing,” ani Dira nang pinapanood akong ayusan. May guesting ako ngayon sa isang sikat na talk show rito sa New York. Binabasa ko ang magiging daloy ng usapan lalo na’t may script ding nakahanda. “Handa kana ulit bumalik doon? They’re cruel to you. They don’t deserve you anymore,” ani Dira, marahil ay naalala ang pait na pinagdaanan ko sa lugar na ‘yon. A

