Pumaskil ang gulat sa mukha ni Vincent. Kinagat ko naman ang aking labi at naisip na baka ay masyadong mabilis para sa kanya. “Pero kung gusto mo naman ay hindi muna—“ “No. I want it. So bad…” Saka niya idinaosdos ang kanyang kamay na nasa aking baywang patungo sa aking palad at ipinagsalikop iyon. Ramdam ko ang pamumula ng aking pisngi. Ngumuso ako at gustong yumuko kaso hinawakan ni Vincent ang aking baba at yumuko ito para patakan ng halik ang aking labi. Kumalat agad ang tamis sa aking labi kahit na mababaw lamang iyon. Naging sabik ako lalo na’t muling lumapat ang kanyang labi sa akin para sa ikalawang halik. Pumikit ako at dinama ang oras na ‘yon. Nananabik ako at nangungulila sa kanyang halik na ilang taon ko ring hindi naranasan. “Sila na!” narinig ko ang tili ni Dira at

