85

2035 Words

"Simula noong hayskul," pag-amin ko lalo na't wala na rin naman akong takas.  Kitang kita ko ang pamimilog ng mga mata ni Vincent. Namula ako ng husto lalo na't hindi ko dapat ito sasabihin sa kanya. Sekreto ko ito. At hindi ko alam kung ano ang iisipin niya sa bagay na 'to.  Pumikit ako para hintayin ang kanyang pang-aasar sa akin, para gawin niya iyong katuwaan at pagtawanan ako. Ngunit ilang sigundo ang lumipas, kahit kaonting halakhak o ano man ay wala akong narinig kay Vincent.  Dahan dahan akong dumilat. Natagpuan ko agad ang kanyang mga mata sa akin. Lumunok ako lalo na't nagiging malalim ang kanyang paninitig at ang hirap nitong takasan.  "Pero mababaw lang 'yon! Alam mo naman... Noong bata ako ay mabait ka. Parang happy crush lang naman," depensa ko at kinamot ang aking ilong

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD