Mahaba ang buntonghininga ko nang nakangising inilahad ni Vincent sa gabing iyon ang ticket na binili niya. Nagawa niya pang kumindat kaya iritado kong pinulot ang soft pillow sa malapit na sofa para itapon iyon sa kanya. Nasalo agad iyon ni Vincent. Nanatili ang ngisi sa kanyang labi habang ako naman ay naiiling na ngumiti nalang lalo na’t ayaw talaga nitong magpatalo sa aming napagkasunduan. Gusto kong may maiambag man lang ngunit kahit piso ata ay wala siyang balak na pagastusin ako. “Ako sa pagkain!” suhestyon ko at sinamaan siya ng tingin. Makikita mo sa high windows kung gaano ka tirik ang araw sa labas. Tamang tama ang klima para magtravel at pumunta sa beach. “Seriously?” Namulsa siyang tumingala habang nanatili ang ngiti sa kanyang labi. “Yes! Kung gagastos ka sa pagkain

