Pilit kong nililista ang mga rason kung bakit hindi pwede ang gusto ng aking puso ngunit kahit anong gawin ko ay hindi ko na mahawakan ang sariling nahuhulog ng paulit ulit para sa kanya. Nabuhay ang namamahingang nararamdaman ko para kay Vincent. Hindi ko alam kung talaga bang nawala iyon o nanatili lamang ito sa aking loob at naghihintay sa pagkakataong ito. Hinalikan niya ako. Hinalikan ko siya pabalik. Kagustuhan ko iyon. Sumisigaw ang puso ko na pagbigyang maging masaya at huwag ikulong ang sarili sa nakaraan. Hindi kailanman pumasok sa aking isipan na dadating kami sa ganitong sitwasyon ni Vincent. Ang naiisip ko lamang noon ay isa ako sa magiging masaya sa kanya habang pinapakasalan niya ang babaeng mahal niya. Isa ako sa matutuwa habang pinapanood silang dalawa sa altar. Ang na

