Tulala ako habang iniisip ng maigi ang sinabi ni Daniel sa akin. Gusto niya akong ligawan. Hindi ko alam kung bakit. “Why not, Celeste? I like you. Gusto kitang ligawan dahil gusto kita,” naaalala kong sabi niya nang matanong ko siya kung bakit. “Pero marami pang babae riyan... Bakit ako?” “Because I like you. You are different from the girls you’re talking about. Gusto kita, Celeste.” Pumikit ako at huminga habang nakahiga na sa kama. Parang sirang plakang paulit ulit sa akin ang sinabi ni Daniel. Buong akala ko ay makakahanap siya ng iba ngunit nakakagulat na hanggang ngayon ay may nararamdaman pa rin siya sa akin. Pero gano’n naman talaga ang mga lalake ‘di ba? Hindi sila titigil sa’yo kung hindi nila nakukuha ang kanilang gusto. Doon ka lang nila titigilan kung nakuha na nila

