“Ano? T-in-ext mo na ba si Daniel? May load ka ba? May extra akong 100. I’ll send it to you,” si Dira kinaumagahan na nagpabalik sa aking isipan ng aking pakay. “Oo nga pala. Nawala sa isip ko kagabi lalo na’t nagsulat ako. Siguro it-try ko mamaya. At may load pa naman ang cellphone ko. Hindi ko naman kasi nagagamit lalo na’t si Mama lang din ang madalas na tumawag,” sabi ko. Tumango si Dira at talagang kinulit ako sa araw na iyon na huwag kong kalimutan. Gabi na noong naaalala ko ulit ang i-text si Daniel. Bumuo ako ng mensahe para sa kanya habang nakahiga na. Ako: Hello. This is Celeste. ‘Yung jacket mo pala ibabalik ko na. Saan tayo magkikita? Ayos na siguro ang text ko. At iyon naman talaga ang aking pakay kaya hindi na ako nag-isip isip pa ng kung ano kung ano pa dapat ang i

