Hindi naging madali ang pagpapasyang ginawa ko. Halos manginig ang aking balikat habang pumapasok sa loob ng eroplano at hindi na lumingon pa. I was glad na inayos ko na agad ang mga dapat na ayusin noon at mas napabilis ang visa dahil noon pa man ay pinaghandaan na raw nila sana ang pag imbita sa akin, they were just waiting for a gho signal. Pilit ko na lamang tinatatak sa aking isip kung para saan ang naging pasya. Kung bakit kailangan kong tumalikod sa gitna ng gulo at hayaan ang panahon na gamutin ang mga sugat naming lahat. Nagpapasalamat ako ng husto sa unawang binibigay ni Vincent sa akin, sa pagiging suportado niya sa aking mga naiisip. Alam kong hindi man iyon ang pinaka magandang desisyon na magagawa ko, naniniwala akong sa pagkawala ko ay baka may pagbabagong dumating sa buh

