Chapter 52 Helleia Demetria’s POV Tuloy-tuloy ang panginginig ng mga kamay at buong katawan ko habang lulan ng kotseng minamaneho ni Red. Nakasiksik pa rin ako sa ilalim ng upuan sa likod ng driver’s seat habang pigil na pigil ang paghagulhol ko sa iyak dahil sa takot. The fact that there is an unconscious woman behind this car makes me wanna kick the door open and push myself out of this vehicle. Hindi ko maintindihan si Red. Bakit sya kumuha ng babae at anong gagawin nya sa babaeng ‘yon? Napalunok ako ng sunod-sunod habang tahimik na umiiyak. Sobra-sobrang kaba at takot na ang nararamdaman ko at hindi ko maintindihan kung saan ba ako natatakot. Sa pwedeng gawin sakin ni Red o mismong sa kanya? Hindi nagtagal ay naramdaman ko ang pagtigil ng kotse. Kasabay naman n‘yon ang paglagabog

