Chapter 32 Third Person’s POV Hindi alam ni Helleia kung anong gagawin. Binaril ni Red sa harap nya mismo ang big boss ng Morfell mafia, nakatutok ang dalawang baril ni Red sa dalawang lalaking katabi ng big boss at nakatutok naman ang baril at espada ng dalawa sa binata. Gusto nyang maawa sa ginawa ni Red sa big boss ng Morfell pero nanaig ang kagustuhan nyang malaman ang totoong kalagayan ng Vandross Organization at ng mga magulang nya . "Sino ka ba talaga? Anong koneksyon mo sa mga magulang ko at anong sinasabi mong bumabagsak na ang Vandross?" halos pabulong na tanong ni Helleia sa big boss ng Morfell Gusto nyang malaman ang katotohanang ipagkait at itinago sa kanya ni Red. Matagal nya nang nakakasama si Red, ngunit wala itong nabanggit sa kanya tungkol sa nangyayari sa Vandross a

