Chapter 39 Helleia's POV 3 weeks had passed at hanggang ngayon ay nandito pa rin ako sa mansion ni Hellion. Naging tahimik ang buong tatlong linggo namin, kami lang namang apat nina Hellion, Fire at Daemon ang nandito. Wala rin akong balita tungkol kay Red, sa parents ko at kina Aphrodite, sa totoo lang ay ilang beses akong nagtangkang magtanong kay Hellion ng tungkol sa kanila pero hindi nya ako sinasagot ng diretso. Alam kong alam ni Hellion ang nangyayari, ang pinaplano ni Red at ang lahat-lahat ng nangyari nitong mga nakaraan, hindi sya magiging isang big boss kung hindi sya matalino, kahit naman nagpalitan sila ni Red sa pagiging big boss ay walang duda na matalino sya dahil ilang buwan din syang nanatili sa pagiging big boss ng Morfell. Si Hellion, kamukhang-kamukha talaga sya ni

