Chapter 20 Third Person's POV Tahimik na nanunuod ng tv si Helleia habang nakahiga sa couch at nakaunan sa mga hita ni Red. Ang binata mismo ang nagprisinta sa dalaga na sa hita nito umunan. At bilang Helleia na gustong-gusto ang binata ay hindi na sya tumanggi at agad ginawa ang gusto nito Samantala sa bungad ng kusina ay nakatayo si Aphrodite habang may hawak na isang basong juice at pinagmamasdan sina Red at Helleia Red is running his finger through Helleia's hair and the scene actually made Aphrodite smile. Sigurado sya na magkakatuluyan ang dalawang ito at kung hindi man ay sya mismo ang gagawa ng paraan para magkatuluyan ang dalawa. Naging instant shipper tuloy sya ng HelleRed dahil sa kasweeten ng dalawa na nasaksihan nya kahapon sa harap ng training hall "Bakit ganyan ka makat

