Chapter 2

1822 Words
Chapter 2 Helleia Demetria Vandross's POV “No" Isang matigas at malamig na 'No' ang nagpalukot sa mukha ko. Nagpaalam ako kay Red na sasama ako kina Dri at Jayson na magbar ngayong gabi, pero ayaw nya kong payagan Kanina ko pa sya kinukulit pero paulit-ulit na 'No' lang ang matigas na sagot nya. Nang sunduin nya ako kanina sa school ay nakangiti akong nagpaalam pero pokerfaced lang sya at hindi ako pinapansin. Hanggang sa makarating kami sa bahay at natapos ang hapunan ay kinukulit ko sya pero ayaw nya talagang pumayag "Sige na kasi, Red. Sumama ka nalang sakin para safe ako" pagpupumilit ko. "NO!" mas matigas at malamig na sagot nya. Nakaupo sya sa couch habang nakacross arms at nakapikit, habang ako ay nakatayo sa harap nya at pilit syang kinukumbinsi. Anong kailangan kong gawin para pumayag sya? "Anong kailangan kong gawin para payagan mo ko?" nakasimangot kong tanong "Nothing and i wont let you leave the house. Sleep, Helleia" malamig na sagot nya. Naiiyak na mas nalukot ang mukha ko. Bakit ba kasi ayaw nyang pumayag? Matagal ko nang kaibigan sina Drianna at kilala naman nya ang dalawa kaya sigurado akong hindi ako mapapahamak "Red!!!!!" pagmamaktol ko pa "I have some important things to do, Helleia. Stay in the house" matigas sagot nyang muli saka ako tiningnan ng malamig Bagsak ang balikat na naupo ako sa tabi nya. Bakit? Bakit ikinukulong nya ako na parang isang preso? Gusto ko lang namang magsaya kahit ngayong gabi lang. Masama ba 'yon? Nahagip ng mata ko si Percy na kapapasok lang ng bahay. Tila nabuhayan naman ako ng dugo nang makaisip ako ng ideya Sana gumana. Sana talaga! "Busy ka?" tanong ko kay Red na ngayon ay nakapikit na ulit habang nakaupo dito sa tabi ko "Yeah" tipid na sagot nya. Tsk. Sinungaling! E wala nga syang ginagawa e. Ano bang kinabubusyhan nya? Iyong Falcon Company nya? E sabi nya tatakbo naman 'yon nang wala sya dahil mayroon syang taong pinagkakatiwalaan sa mga kompanya nya e. Yes! You read it right, mayaman si Red. Mayroon syang mga kompanya sa iba't-ibang bahagi ng Pilipinas. Mga kompanyang may kinalaman sa furnitures and such. Tinitigan ko si Red. "Edi si Percy nalang ang isasama ko" nakangiti kong sabi. Nagmulat sya ng mata at tumitig sakin. Nakita kong lumapit sa amin si Percy habang nakatingin din sakin. Mukhang narinig nyang binanggit ko ang pangalan nya "You need something, Young Miss?" tanong ni Percy. Tiningnan ko sya Tumayo ako at ikinawit ang braso ko sa braso nya. Akala ko ay magugulat si Percy, pero wala lang syang reaksyon. Parang hindi nga sya nakakaramdam ng gulat o kahit na anong emosyon e. Iyon at 'yon lang din ang nakikita kong emosyon sa mga mata nya "I said no, Helleia. You're not going anywhere" matigas na sambit ulit ni Red Ang mga mata nya ay tila unti-unting nababalutan ng apoy dahil sa pagbagon ng inis sa kanya. Dapat natatakot na ako ngayon sa kanya dahil sa inis na nakikita ko sa mga mata nya pero hindi, wala akong nararamdamang takot. Ito ang unang beses na kinausap at kinulit ko sya ng ganito pero ang gaan sa pakiramdam ko ay tila matagal na. Tila ba komportable na ako sa presensya nya. "Isasama ko naman si Percy e" nakabusangot na pagpupumilit ko Bumalik ang walang emosyon at lamig sa kanyang mga mata habang nakatitig sakin. "Still no" Bagsak ang balikat na bumitaw ako kay Percy. Parang may kung anong nagtutulak ng luha ko palabas sa mga mata ko pero kinagat ko ang pang-ibaba kong labi para pigilan ‘yon. Mabigat ang loob na naglakad ako paalis at tinungo ang hagdanan, umakyat ako sa itaas at tinungo ang kwarto ko. Malakas ko ring isinara ang pinto at pabagsak na naupo sa kama Bakit ganon sya? Ngayon lang naman ako humiling sa kanya ah. Bakit hindi nya yon mapagbigyan? Nakakainis! Sa sobrang inis, parang gusto ko nang umiyak. Naiiyak ako dahil para akong bilanggo dito. Alam kong iniisip nya lang ang kaligtasan ko, pero nandyan naman sya para bantayan ako diba? Nandyan din si Percy Busangot ang mukha na humiga ako sa kama ko. Anong gagawin ko? Ang sabi nina Drianna at Jayson ay hihintayin nila ako kahit anong mangyari. Kinuha ko ang cellphone ko na nakapatong sa kama sa tabi ko, may text si Drianna at nandoon na daw sila sa tapat ng bar at hinihintay ako. Marahas akong bumuga ng hangin saka tumayo at sumilip sa bintana. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Red na sumakay ng kotse at saka umalis. Omg! Ito na ba yon? Malaki ang ngiti na tinungo ko ang closet ko at kumuha ng damit Matapos kong mag-ayos ay sumilip ako sa labas ng kwarto. Mas lalong lumaki ang ngiti ko nang makita kong wala na sina Percy sa labas, mukhang natutulog na sila. Patay na rin ang lahat ng ilaw kaya malaya akong nakalabas ng kwarto. Dahan-dahan akong naglakad hanggang sa makalabas na ako ng bahay. Success! Excited na tumawag ako ng taxi at agad na nagpahatid sa bar na binanggit ni Drianna kanina. Mabilis naman akong nakarating doon, natanaw ko sina Drianna at Jackson na naghihintay sa labas "Dri, Jay!" Tawag ko sa kanila. Nakangiti akong lumapit sa kanila. Sobra-sobra ang galak sa puso ko sa isiping mararanasan kong mamuhay ng normal kahit ngayong gabi lang na ito "Oh my gosh, Dem! Buti pinayagan ka ni yelong pula" natatawang sambit ni Drianna. Ngumiwi naman ako. Buti nga talaga kung pinayagan ako. Kaso hindi naman e "Tumakas ako, Dri" nakangiwi ko pa ring sagot. Nakita kong nanlaki ang mata ni Drianna sa gulat at humalakhak naman si Jayson na mukhang tuwang-tuwa sa katigasan ng ulo ko. Uh! Lagot ako nito! "Ihanda mo na ang sarili mo kapag nalaman nya, siguradong lagot ka non" pananakot sakin ni Drianna na ikinasimangot ko. Kanina pa nga lang na nagpapaalam ako ay natatakot na ko, ano nga kaya ang gagawin sakin ni Red kapag nalaman nyang tumakas ako? Saka, malalaman naman nya talaga, kaya dapat ko nang ihanda ang sarili ko Ano kayang gagawin nya sakin? Sisigawan? Sasaktan? Isusumbong kina mom at dad? Ah! Kailangan ko ba talagang isipin 'yon ngayon? Mag-eenjoy nalang muna ako. "Hayaan mo na muna yon. Tara na sa loob, mag-enjoy muna tayo ngayon" Hinawakan ni Jayson ang kamay naming dalawa ni Drianna saka kami hinila papasok sa bar. Hinarang pa kami ng bouncer kaya kinabahan ako, mabuti nalang at magaling magsinungaling si Jay. Hahaha "Whoooaaa~" Mahinang tumili si Drianna nang makapasok kami. Ang ingay sa loob, marami ring tao. Mga nag-iinuman at ang iba ay nagsasayawan. Dinala kami ni Jayson sa gilid at agad na pinaupo "Iinom tayo ngayon ha" sabi ni Drianna. Agad akong umiling habang sumesenyas na hindi pwede. Tumakas na ako. Hindi pwede dagdagan ko pa ang kasalanan ko kay Red isa pa ay hindi ako marunong uminom ng alak, baka kung ano pang mangyari sakin pag naglasing ako "Ay daya! Okay, juice nalang sayo. Basta kami ni Jay ay iinom. Diba Jay?" Sabi ni Drianna. Tumango lamang si Jay sa kanya. Maya-maya ay may waiter na lumapit sa amin. Hinayaan ko na na si Jayson ang kumausap sa waiter. Ako ay inilibot ko ang paningin ko. Grabe! Sobrang wild ng mga babae at lalake sa dance floor. Ang mga babae ay halos wala nang damit kaya naman tuwang-tuwa yung mga lalake dito sa bar. Ganito pala dito. Nakakailang na nakakatuwa. Mukha namang masaya dito e, bakit nga ba ngayon lang ako sumama sa gimik nina Dri? Gusto ko ring maranasan ang mga ginagawa ng mga babaeng kaedad ko. I want to dance like a crazy woman and drink till i lost my senses Ngayon ko lang nalaman kung gaano kasaya ang buhay ng mga kaedad ko malayang naeexplore ang kabataan nila. Na malayang nakagagala sa buong mundo at ginagawa ang mga gusto nilang gawin. "Let's party! Sayaw tayo, Dem" Hinila ako ni Drianna papunta sa dance floor. Sumunod naman si Jayson at hiyang-hiya talaga ako. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Nagsisimula nang magsayaw sina Jay at Dri pero heto ako, nakatingin lang sa kanila at hindi gumagalaw Nakakahiya! "Come on, Dem! Let's dance!" Sabi ni Drianna na hataw na hataw sa pagsasayaw "Hindi ako marunong!" nahihiyang sagot ko. Napatingin ako sa paligid. Panay lang ang sway ng katawan ng mga nagsasayaw, ang iba naman ay parang sinasapian na halos magwala na "Dance floor to, Dem. Kahit anong sayawin mo wala silang pakialam don" sabi naman ni Jayson saka lumayo samin ni Drianna. Lumapit sya sa isang babae na mukhang kanina pa sya tinitingnan. Napailing nalang ako at tiningnan si Drianna, natatawa kong ginaya ang pagsasayaw nya Iginiling ko ang katawan ko gaya ng ginagawa ni Drianna at paulit ulit na ginalaw ang ulo ko at parang baliw na iwinagayway ang mga kamay at braso ko "Whoaaa~yes, Dem!" nginitian ko lang si Dri at humataw din sa sayaw na katulad ng sayaw nya. Pareho kaming tumatawa habang parang may sapi na nagwawala sa dance floor "Whooooo" — Matapos ang nakakahiyang pagwawala namin ni Dri sa dance floor ay sabay kaming bumalik sa pwesto namin kanina. Uminom ako ng juice at alak naman ang ininom ni Dri "Hahaha that was great, Dem" tumatawang sabi ni Dri. Nagthumbs up ako sa kanya habang tumatawa din. Muli akong uminom ng juice habang pinapakalma ang sarili ko. Naalala ko ang pinaggagawa namin ni Dri sa dancefloor at pakiramdam ko ay namula ang buong mukha ko "Hindi ko alam na sinasapian ka rin pala pagdating sa dance floor" sabi ulit ni Dri habang tumatawa "Hoy ginaya lang kita kanina" sagot ko. Nagpatuloy sa pag-inom si Dri at ako naman ay pinagmamasdan lang ang paligid. Nakita ko si Jayson na kausap yung babaeng kasayaw nya kanina "Anong sasabihin mo dun sa driver mo?" Napatingin ako kay Dri. Oo nga pala, siguradong sa mga oras na ito ay galit na galit na yon. Hindi ko pa nakikitang magalit si Red kaya naman sobra akong kinakabahan ngayon Ano kayang gagawin nya mamaya? "Hindi ka naman siguro nya isusumbong sa parents mo diba?" May pag-aalalang tanong ni Dri. N Nagkibit-balikat ako. Sana. Sana talaga hindi. Magpapaliwanag nalang ako mamaya sa kanya at pakikiusapan sya na huwag sabihin sa parents ko ang ginawa ko. Sana naman tanggapin nya ang sorry ko "Hindi ko alam. Pero magpapaliwanag naman ako sa kanya" sagot ko at tumango-tango si Dri saka kinuha yung baso ng alak nya "Cheers, Dem" Natatawang itinaas ko ang baso na may lamang juice. Mahinang pinag-untog namin ang baso naming dalawa saka uminom. Hahaha feeling ko talaga ay umiinom din ako kahit juice lang naman ang iniinom ko I'm sorry, Red. Mom, dad. Gusto ko lang namang mag-enjoy. Promise, ito ang una at huling beses na susuwayin ko kayo
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD