EPILOGUE Maingat na hinagod ko pababa ang suot ko na puting puti na wedding gown. Nakatayo ako sa harap ng malaking salamin habang malaki ang ngiti sa labi. Nakaladlad ang mahaba at kulot kong buhok. Ang aking mukha ay mayroong simple at manipis na make up. Kanina, nang alukin ako ni Red ng kasal sa isang paraan na hindi ko inaasahan ay naglaho ang plano ko na sa kasunod na buwan pa pakasalan ang lalaki. Sinong matinong lalaki ang pipiliing mabaril sa ulo kapag tinanggihan ng babaeng una palang ay pag-aari nya na? Si Red lang. “Hindi ba pwedeng ipagpabukas ang kasal nyo? Aabalahin nyo pa ang misa sa simbahan” Napatingin ako kay Aphrodite na pumasok sa kwarto ko habang kunot na kunot ang noo at nakatingin sa suot nyang gown na kulay itim. She’s weird. Kasal ko ang pupuntahan nya pero
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


