Chapter 67 Third Person’s Point of View Mariing nakapikit si Red habang nakahiga sa malamig na metal. Malakas ang kabog ng kanyang dibdib, hindi dahil sa takot kundi dahil sa ideyang mabubura sa alaala nya ang babaeng mahal nya. Ang nag-iisang dahilan ng patuloy nyang paghinga. Pagkatapos nyang ianunsyo ang proteksyon ng Vandross mula sa Aces at Crimson Royalties ay agad syang nagdesisyon. Desisyong siya lamang ang nagpasya. Lumunok sya habang nakapikit ang mga mata. Naririnig nya ang sariling paghinga kasabay ng boses ng mga robot at kompyuter na kasama nila ni Spencer sa silid na kinaroroonan. Malakas sya, matatag, matapang at hindi basta-bastang natatakot pero nang sugurin ng kalaban sina Edrix, tinangkang kunin si Helleia at pagdukot sa mga pekeng magulang nito, nagpasya na sya. K

