Tumawag naman si Khalil kay Adel para pag usapan ang mga inilantad ni Siñor Albert tungkol sa kung sino ang pumatay sa kanyang mga magulang
Tay Adel magkita tayo sa Metro Sun Building,
Sige po Master Khalil, at ibinaba na ang tawag
Bell sumama ka sakin pupunta tayo nang city
Sige master,
Pagpasok naman nila sa Metro Sun ay sinalubong na nga sila ni Ms Isay para samahan sa taas kung saan nandun ang house office ni Khalil,
Pag dating naman sa loob ay nandito na din ang matatapat na tagalingkod ni Khalil,
Khen nakuha mo naba ang mga data tungkol sa tatlong Siñor,
Opo Master Khalil ito po,
Masyadong hindi makatarungan ang negosyong ito nang tatlo, hindi malayo na may kinalaman nga sila sa pagpatay sa mga magulang ko, ayaw ko nang ganitong negosyo karumal dumal para ipahamak ang mga kabataan,
Master ano po ang gusto nyong gawin. isang salita nyo lang po kaya natin silang ubusin nang walang makikitang bakas, huwag hindi pa ito ang tamang oras at kung kikilos agad tayo maaaring pati ang nasalikod nito ay maalarma at makapag plano nang katulad sa ginawa nila sa aking mga magulang ay gawin din sakin,
Ngayong alam na natin kung sino ang dapat nating inbistigahan, madali na tayong makakakilos,
Tay Adel Khen iulat sakin ang bawat detalyi nang kanilang mga operasyon,,
Ms Isay Ms Yhen Ms Grace Ms Norien, kaya ko kayo pinatawag ay para hingin ang openyon nyo tungkol sa plano kung paunlarin ang lucban kong saan ako lumaki,
iulat nyo sakin kung ano ang mga negosyo na meron sa lucban,
Masusunod po Master ,
Syanga pala Ito si bell gusto kung turuan nyo sya kung pano mag handle nang isang business sya ang napili ko upang pagkatiwalaan sa negosyong itatatag ko sa lucban
Magandang araw po ako po si Bell, school mate i master Khalil,
Master maitanong ko lang anong pangalan nang negosyo ang itatayo mo, Moon Corp,
Moon Corp, Magandang pangalan master pero anong klase po, tanong ni Ms Yhen
Ang Moon corp ay isang investment com. kung saan magpapautang ito sa mga maliliit na kumpanya at ito ang tutulungan kong umangat ,
Master pano ang Black corp,
Ito talaga ang plano lalabas na kakalabanin nang Moon Corp ang Black corp nang sa ganun ay maitago ko parin ang aking pagkakakilanlan,
hanggat hindi ko pa nalalaman ang totoong pumatay sa mga magulang ko,
Maganda ang nisip nyo Master hindi maipagkakaila na anak kayo nang Siñor,
Ok balitaan nyo ako at bbalitaan ko kayo kung kelan ko sisimulan,
Naibilin nman na ni Ms Isay ang lahat kay Bell kaya pinababalik si Bell sa isang linggo para ayusin ang tungkol sa kanyang natitirang klase, kung ganun Mauna na kami,
Ingat po Master Khalil,
Umalis na nga si Khalil at Bell, Kumain muna sila sa isa sa mamahaling restaurant sa city,
Handa ka naba na mabago ang buhay mo,
Hindi naman makasagot si Bell iniisip kasi ni Bell na isa itong panaginip para sa kanya na bigla nalang magbabago ang buhay nya nang ganun ka bilis,
Ah eh Khalil ano ang magiging papel ko sa negosyong nabanggit mo kanina,
Buti naitanong mo yan gagawin kitang unang tagapamahala syempre sasahod ka din at ito na ang magiging trabaho mo, magagawa mo kung ano gusto mo kagaya nang apat na Ms na nakilala mo,
ang kelangan ko lang ay dapat alam mo ang priority mo,
pag ok na ang plano ko saka natin pag usapan ang magiging sweldo mo,
Marunong kabang mag drive,?
Oo master may license ako at ginagamit ko din itong valid id,
Verry good tara,
Nagpunta nga si Khalil at Bell sa isang sikat na car dealer sa city kung saan makikita mo ang mga magaganda at mamahalilng sasakyan dito, habang namimili isang sasakyan nga ang nakikita ni Khalil na bagay sa katauhan ni Bell, at ito ang, Bentley Continental GT, na may astig na porma na buma agay din sa isang babae
Miss Available ba ang unit na ito,
Ah yes po sir, tamang tama po may kakadating lang po at kumpleto papeles na ang aasikasuhin nalang po ay ang pangalan na bibili nito para sa rihistro, may permit na din po ito sir para pwedi nang maiuwi nang bibili,
Ok good paki handa na nang lahat nang kailangang papelis para mapirmahan na,
Dali dali naman ang babae at kinuha na nga ang mga papelis, ito po sir para sa inyo po ba,
Ah hindi para sa kasama ko,
Ay ganun po ba ang swerti nyo naman po mam at may kasintahan kayong mabait at pogi pambobola naman nang car assistant,
matapos mag pill up at magpirma ni Bell,
Ah sir card po ba or cash, ilang month po ang payment,
Ah card, fully paid,,
Napa lunok naman nang laway ang car assistant iilan lang talagang mayayaman ang magsasabi nang fullypaid karamihan kasi ay kung hindi bankloan ito ay installment,
Dali dali din naman kinuha ang card ni Khalil at isang swipe lang boom, pasok, tuwang tuwa tuloy ang car assistant dahil cash ito automatic may insintives na papasok agad sa payroll atm nya at tumataginting na 5Ok naku sir maraming salamat po malking tulong to sakin,
Ok walang anuman,
pinatisting na nga ni Khalil kay Bell
Nanginginig at nanghihina naman ang tuhod ni Bell kasi hindi man lang sumagi sa isip nya na makakapagdrive sya nang ganitong sasakyan king saan sa magasine, tv at vlog lang nya nakikita,
kaya naman hindi nya malaman kung pano sya pupwesto, sa pagkaka upo,
Hindi mo ba kaya bayad na yan kaya kelangan kayanin mo,
Sandali talaga lang kinakabahan ako sakin nba talaga ito,
Bakit ayaw mo ba iniisip ko na malkas ang loob mo kaya binigay ko sayo ang pagkakataong ito ayaw mo ba,
Hi hindi gusto kaya ko,
Sya bilisan mo at marami pa tayong pupuntahan,
Kaya naging seryuso naman si Bell at ginawa nang tama ang pag dadrive,
Sa Metro Sun habang nag uusap ang apat na Ms kasama si Adel at Khen,
Tatang Adel hindi ako maka paniwala sa aking nasaksihan ang paraan nang master sa pag iisip ay talagang kahanga kahanga kung saan nalaman agad nang master na maaaring may kinalaman si Siñor Albert sa pagka matay nang Siñor, kaya masasabi kung magiging maunlad pa ito sa hinaharap, pahayag ni Khen
Tama si Khen tatang Adel kahit ang pagsadalita nya dito kanina ay talagang makikita na may tigas ang bawat letra na bibitawan, singit naman ni Ms Norien,
Tama ang sinabi nyo, kung hindi ko agad nagawa ang pagpaprusa sa pamilyang yun baka hindi ko alam kung pano ako haharap sa master, anas naman ni Ms Yhen
Nagbiro naman si Ms Grace pano kasi inuuna ang kalibugan kaya hindi nakapag bigay nang tamang utos sa black corp, hahahahaha
Tumigil ka nga inggit ka lamg kasi wala nang sumusungkit sungkit dyan sa kepay mo hehehe bawi naman ni Ms Yhen,
Ay tumigil nga kayong dalawa dyan nakakahiya kay Khen at Tatang adel ang pinag uusapan nyo, saway naman ni Ms Isay,
Masasabi ko lang ay supurtahan natin si master sa lahat nang kanyang mga plano, at tiyak naman na ito tagumpay na makakamit,
Nasa isang building naman sina Khalil at tumitingin nang isang Condo na talagang exclusive din para sa mga mayayaman,,
dito ka tutuloy habang pinagaaralan mo ang mga dapat mong matutunan tandaan mo lang na kelangan matutunan mo ang lahat nang dapat mong matutunan sa apat na Ms, papturuan din kita nang self defense para naman maprotektahan mo ang sarili mo,
Pagkatapos bayaran ni Khalil ang condo nag shooping naman sila nang mga susuutin ni Bell,
Naisipan naman ni Khalil na dalahin si bell sa isang salon para naman maayusan,
magaling naman mag ayos si bell nang sarili yung nga lang ay simple ito dahil wala naman syang pera para ipang tustus sa ganitong luho at tanging mababaon nga niya ay kelangan pang pagpawisan sa trabaho,
Pagka balik naman ni bell sa condo kasama si Khalil,
Bell may account kba sa kahit anong banko,
Oo meron ginagamit ko ito para sa pagpapdala nang allowance ko sa nakuha kong scholarship,
Akin na, pagka abot nga ni Bell isang notification naman ang natanggap ni Bell sa kanyang cellphone,
Account number send you a total amount of 10,000,000 pesos from; ********************
Hindi talaga makapaniwala si Bell talagang nagyayari nga ang lahat nang ito sa kanya,
Pano mauna na ako sayo hindi pwedi na makita nila na mag kasama tayo,
Sige master mag iingat ka pag uwi,
habang nakahiga si Bell hindi parin nya mapaniwalaan ang mga nangyayari kaya sa loob loob ni Bell handa syang maging tagasunod ni Khalil kahit pa nga hilingin nya na maging sextoy nya ako ay gagawin ko nang taos sa aking puso,
Habang nakahiga naman si Khalil iniisip nya ang mga business na dapat nyang tulungan kung saan ito yung mga negosyo na talagang kayang makipag sabayan sa takbo nang panahon, Una na ngang naisip ay ang negosyo nang kaibigan nyang si Maxx,
Kinaumagahan dumiritso na si Khalil sa black corp para sa ilang mga gawain, dito na din sila nagkita ni Maxx Oy tol san ka galing alam mo bang tinatawagan kita, yayayain sana kitang, gumala eh,
May inasikaso lang ako, alam mo na malapit na ang graduation natin kaya dapat seryuso na tayo sa dapat nating gawin,
Bakit Khalil sa tingin mo ba hindi seryuso itong kaibigan mo Ha,
Oo ganun na nga puro pang chichicks ang inaatupag mo wala ka namang chicks hahaha,
Pinagtawanan naman si Maxx nang mga kasamang babae sa office,
Grabi Ka Khalil sa kaibigan mo,
Hahaha joke lang masyado kang matampuhin,
Lumipas pa ang ilang mga araw at unti unti na ngang iniipon ni Khalil ang mga mahahalagang informasyon na kakailanganin nya,
Reporting na naman sa school at maaga namang nagsisipasok pati n kami Maxx maaga din, habang na room kami dinig namin ang pag sisigawan ng mga lalaking studyanti.
Wow ang ganda nang sasakyan kanino kaya yan mukhang mayaman ang may ari baka naman mayaman talaga,
paglabas nga nang sasakyan ni Bell ay nagsi igawan naman ang studyanti na nasa campus
Wow pare yan ang bently GT nagkakahalaga yan nang 25, milyon ang halaga nyan, grabi napala ganda nya, dito ba nag aaral yan, tanong nang i ang atudyanti
Teka hindi ba yan si Bell yung laging binubully dito sa school grabi ang ganda nya at mayaman pala sya, sayang sana niligawan ko na sya nun,
sabi naman nang mga nakakilala kay Bell
Hindi naman pinansin ni bell si Khalil para maiwasan din ang pagkakakilanlan ni Khalil kung may makaka kita na magkasama sila baka kung ano isipin ng iba sa campus
Grabi tol su Bell ba yun o napakaganda nya at tingnan mo ang ganda din nang sasakyan nya, grabi mamahalin yun, ang alam ko milyon ang halaga nun, pagkamangha ni Maxx sa nakita,
grabi tol mayaman pala si Bell,
Hay wag kana mainggit dyan, hindi ka din naman magugustuhan nyan,, haha biro naman ni Khalil
Grabi ka sakin tol napapansin ko lagi masasama sinasavi ah, di naman kaw talaga,
Pumunta naman si Bell sa admin office nang school para talakayin ang mga detalyi at para ipasa ang mga requirements para pag graduation ay ok na sya,
Tol sahod natin ngayon ah, tara gala naman tayo, pagkakuha natin nang sahod
sige punta ulit tayong bikini bar, balita ko maraming babae daw dun na puro bago,
Naku ikaw talaga dun tayo sa bagong bar na nakita ko maganda dun puro mga mayayaman at magaganda ang napunta at karamihan studyanti dito sa campus natin,
Sige tol sama ako dyan tutal malaki din masasahod natin ano,
Tara mag report naman tayo sa blackcorp,
nagpunta na nga ang dalawa sa blackcorp,
maya maya ay pumasok na ang maydala nang sweldo ni Khalil at Maxx,
Sir Khalil sir Maxx ito po pala yung sweldo nyo pinatatanong din po nang president kung ok lang daw po kayo, dito,
Naku Mam pasabi kay president na ok nman po kami,
Mabuti naman po kung ganun makakarating po sa president,
Pagsapit nang hapon masaya na nga si Maxx
Tol kita mo sahod ko 25k wala tayong ginagawa,
Oy ikaw lang walang ginagawa ako meron,,