“R-Renan, pinagsasabi mo?” Nauutal kong tanong na may kasamang pag-iling. Hindi ko kasi in-expect ‘to. Kung noon lang sana niya sinabi na gusto niya ako, baka walang ano-ano, sinagot ko na siya. Baka nag-uumapaw ang saya ko. Pero ngayon, hindi na saya ang nararamdaman ko. Asiwa na. Naasiwa ako, kasi hindi ko na siya gusto. Kuya na lang ang tingin ko sa kanya. Gumalaw ako. Gusto kong ibaba na lang niya ako. Hindi na kasi ako komportable sa hawak niya. Feeling ko ay nagkakasala ako sa asawa ko. “Reynan, pakibaba na lang ako, pwede ba?” Lakas-loob kong sabi na sandaling sulyap lang ang sagot niya. Nakagat ko naman ang labi ko. Alam ko, ramdam na niya na hindi na ako komportable. Pero nagpatay malisya lang siya, at ngayon ay mapait na nga siyang ngumiti. Alam ko na nasasaktan siya, p

