“Sir Danreve, masyado ka po’ng pikon! Binibiro ka lang po ni Sir Onse.” Kaagad kong sabi. Dinuro-duro ba naman ang kaibigan niyang halata namang inaasar lang siya. Tiim bagang na parang gustong sapakin si Sir Onse na ngising-ngisi naman. Nilingon niya ako at sinamaan ng tingin. Pero wala na sa kanya ang focus ko; nasa cellphone ko na. “Ihatid mo na lang po ako, Sir Danreve. Pwede po ba? Kanina pa kasi nag-aalala si Nanay.” Kinapalan ko na ang mukha ko. Kailangan ko na kasing umuwi kaagad. Kanina pa tumatawag si Daisy, pero hindi ko masagot-sagot dahil sa nangyari kanina. Heto, at nag-ring na naman ang cellphone ko. “Hello, Daisy,” agad kong sagot. “Charmaine, nasaan ka na?” tanong ni Daisy. “Daisy, bakit ganyan ang boses mo? Anong problema? May nangyari ba kay Nanay?” kabad

