Matapos kong mapigil ang paghinga ko, napayuko naman ako. Hindi ko na kasi matagalan ang tingin ni Mommy. Hindi ko na matagalan ang parang nag-aapoy na tingin niya na parang sumusunog sa kaluluwa ko. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin. Dapat ba akong magpaliwanag o hindi? Pakiramdam ko ngayon ay nasa loob ako ng kahon, nakakulong. Hindi makakilos at kinakapos ang hininga. Kinakain na rin kasi ako ng guilt. Bakit kasi, nagpadala ako sa ka sweet-an ng asawa ko? Bakit hinayaan kong maging totoo ang relasyon namin na dapat ay pagpapanggap lang. Paano na ‘to ngayon? Paano kung sapilitan niya akong palayasin sa buhay ng anak niya? “Magsalita ka, Charmaine. Ang tapang-tapang mo noon na ipaglaban ang kasinungalingan n’yo ni Danreve, tapo

