Kabanata 80

1019 Words

"Charmaine Lazaro?" Kanina ay wala akong pakialam sa kung sino man ang guest speaker na ipinakilala ng host. Puro yuko at buntong-hininga lang ang ginagawa ko, pero ngayon, awtomatikong napaangat ako ng tingin nang marinig ang pangalang Charmaine. Parang malakas na kampana ang umalingawngaw sa bulwagan, at wala na akong ibang narinig pagkatapos no’n, kung hindi ang pangalan na lang ng asawa ko na ngayon ay nasa stage. "Charmaine..." Kumurap-kurap ako ng ilang beses at kinusot ang mga mata ko, sinisiguro kung tama ba ang nakikita ko o kung namamalikmata lang ako. At totoo nga ang nakikita ko. "Sir Danreve, hindi ba, asawa mo—" Hindi na natapos ni Greg ang sinasabi. Napatitig na lang kasi siya sa akin habang tinuturo naman si Charmaine. Bigla naman akong napaluha—luha ng saya dahil sa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD