FELIZA'S POV "Miss hindi ka puwedeng umupo diyan. Naka-reserve na yan." Sabi ni Manong konduktor sa akin. Tinignan ko ang upuan may nakadikit nga na post- it. Marciana at Bodong. Sayang, ang ganda pa naman sanang maupo sa harap. Makikita ko nang maigi ang madadaanang view. Nasa Terminal ako ng Florida Bus ngayon sa Sampaloc. Sabi kasi ni Crystal, subukan kong mag-bus kasi mas enjoy daw kaysa mag-eroplano. At ang destination ko? Sa Sta. Praxedes! Ikakasal na ulit ang best friend ko! Masyado nga akong excited eh. 4 days pa bago ang kasal nila ni Danreb sa simbahan pero gugora na ako sa Cagayan. "Eh, saan ba ako puwedeng umupo Manong? Halos lahat na yata naka-reserve na kasi may nakadikit na post it ang mga upuan?" "May dalawang bakante pa sa gitna, Miss. Pasensya ka na.

