KABANATA 1

1498 Words
Mabilis akong napalingon sa humila sa akin at dahil nakadikit ang aking likuran sa dibdib nito ay pagkalingon na pagkalingon ko ay kaagad tumama ang aking labi sa kanyang leeg na nakapagpatigil sa akin sa paggalaw at nakapagpabato sa akin mula sa aking kinatatayuan. Mabilis nanuot sa aking ilong ang pamilyar at mabango nitong amoy at doon ko na rin nakumpirma na si Kian na nga ang taong humila sa akin. Nakatigil lang ako habang nakakapit ang aking dalawang kamay sa kanyang isang braso na nakayakap pa rin ng mahigpit sa aking baywang dahil sa pagkagulat ko kanina. Nang mag-angat ako ng tingin sa kanya ay nakita ko ang pag-igting ng kanyang panga habang nakatitig ng seryoso at masama sa lalaking nasa harapan namin na parang anytime ay susuntukin na lang niya ito. Nang matauhan ako at maisip ang pwesto namin ngayon ay mabilis akong gumalaw at kakawala na sana ako mula sa kanyang hawak nang bigla na naman niya akong hapitin gamit ang kanyang kanang kamay kaya naman muli akong napasalampak sa kanyang matigas na dibdib. At dahil mas mahigpit na ngayon ang pagkakahapit sa akin ni Kian ay wala na rin akong nagawa pa at nagpaubaya na lang at napili ko na lang din na lingunin ang lalaking kanina pang nandito sa aming harapan. Nababakas sa kanyang mukha ngayon ang pagtataka at ang kanyang paningin ay nagpapalipat-lipat lang sa aming dalawa ni Kian habang hawak-hawak pa rin niya ang mga junk foods na hindi ko maabot kanina. "You're... siblings, right?" Nakakunot na tanong nito sa akin matapos niyang titigan ng ilang segundo si Kian at hindi nakaligtas mula sa aking mga mata ang pagngisi nito. Hindi ko alam kung schoolmate ba namin ang isang 'to o hindi kaya alam niyang magkapatid kami pero siguro nga. Mabilis ko namang naramdaman ang pagdiin ng hawak ng kamay ni Kian sa aking tiyan matapos matanong iyon ng lalaki sa akin. Magsasalita pa lang sana ako nang bigla na lang gumalaw si Kian paharap sa malaking estante na may mga lamang iba't-ibang junk foods at dahil yakap-yakap nga ako ng kanyang kanang braso ay nadala rin ako sa kanyang paggalaw at nakaharap na rin ako ngayon sa mga pagkain sa harap ng mga estante. Mabilis niyang inabot ang malalaking doritos at pic-a at kumuha siya ng tig tatatlong piraso ng mga iyon at mabilis na inilagay sa cart na nasa likuran lang namin. Seryosong-seryoso siya habang ginagawa ang mga 'yon gamit lang ang kaliwa niyang kamay. Pinagmamasdan ko lang siya at nang matapos siya ay muli niya akong hinila ng maingat at mabilis papunta kung nasaan naman ang mga cart namin. Ni hindi man lang niya pinansin o tiningnang muli ang lalaki at walang anu-anong hinila na lang ako paalis doon. Tulak-tulak ng magkabila niyang mga kamay ang dalawang cart. Isa sa kaliwa niyang kamay at isa naman sa kanan habang ako ay nasa mismong harapan niya at nakakulong sa pagitan niya at ng mga cart. Nang akmang titigil ako sa paglalakad upang agawin sa kanyang hawak ang aking cart at upang malingon na rin ang lalaking naiwan namin sa likod ay mabilis siyang nagsalita ng seryosong-seryso na nakapagpatinding ng aking mga balahibo at nagpatibok ng mabilis sa aking puso. "Just continue and walk faster, Nikki Marie. Try to turn around and look at that man again and I will not think twice to punch him hard on his face," madiing pahayag nito at dahil damang-dama ko kung gaano siya kaseryoso sa kanyang mga sinabi ay nagpatuloy na lang ako sa paglalakad at napatungo na lang din ako dahil na rin sa mga taong tumitingin na nadadaanan namin dahil sa pwesto at ayos naming dalawa ni Kian. Habang inaayos sa counter ang mga ipinamili namin ay tahimik lang ako habang nasa gilid ni Kian dahil iniisip ko pa rin kung bakit bigla na lang siyang naging ganito ka-over protective sa akin kahit hindi naman siya ganito dati. Habang nag-iisip ako ay lumilinga-linga ako sa paligid at napansin ko ang paninitig ng halos lahat ng mga babaeng nandito kay Kian. Naririnig ko pa ang ilang pag-tili ng iba na nakapagpangusoat simangot sa akin. Sinulyapan ko naman si Kian at abala pa rin ito sa paglalagay ng mga pinamili namin sa counter at mukhang walang pakialam sa paligid kahit naman alam kong naririnig rin naman niya ang mga ipinagsasasabi ng mga babaeng nandito malapit sa amin dahil sa lakas ng boses ng mga ito. Matapos mailagay lahat ni Kian sa counter ang mga pagkain at inumin na mga binili namin ay muli na naman niya akong hinila papalapit sa kanya nang mahuli niya akong lumilinga-linga sa paligid. Inilagay niya ako sa kanyang harapan kaya naman nakapwesto na siya sa may likuran ko ngayon habang pinapanuod naming masalansan ang aming mga ipinamili. Matapos naming mamili ay si Kian ang nagbayad ng lahat kahit na ipinagpilitan ko sa kanya na dapat ay hati kaming dalawa. Siya na rin ang nagbitbit ng anim na malalaking plastic at hindi man lang ako hinayaang tulungan siya. Wala na naman tuloy ako sa mood dahil hindi naman ganito ang isang 'to sa akin noon pa man. Ngayon na lang siya naging ganito sa akin kaya nakakapanibago at hindi ako sanay. Nagpapabida ba 'to sa mga pinsan namin kaya hindi ako hinayaang makihati sa bayad? Noon kasi ay kung hindi pa ako iiyak ay hindi niya ako ililibre ng mga pagkaing gusto ko at hindi niya ako tutulungan sa mga mabibigat kong dala kung hindi pa ako madadapa. Madalas din kaming mag-away noon at madalas na wala siyang pakialam sa akin kahit may lumalapit o kumakausap sa aking ibang lalaki kaya naman nakakapagtaka talagang ganito na ang trato niya sa akin ngayon. Ano kayang nakain o nahithit ng kapatid kong 'to kaya naging ganito na ito kabait at ka-over protective sa akin ngayon? Kaya naman hanggang sa loob ng sasakyan at hanggang makarating kami sa may lawa ay mas sobrang nanahimik ako at hindi masyadong kumibo. Handa na sana akong makipagtalo sa kanya nang pababa na kami ng sasakyan kung hindi lang sana niya ako hinayaan na bitbitin ang tatlong bucket ng chicken wings at tatlong bucket ng fries. Hmp! Buong akala ko ay hindi na naman niya ako patutulungin sa pagbuhat ng mga 'to! Makakatikim na talaga siya sa akin kung nagkataon! Nang papalapit na kami sa may lawa ay kaagad kong nakita ang mga pinsan kong sina Axl, Nhya, Lawrence, at Garnet na mukhang katatapos lang mag-ayos ng mga gamit sa pwepwestuhan namin. Naroon sila nakaupo sa malaki at makapal na picnic blanket habang nagtatawanan. Bigla na lang tuloy gumaan ang aking pakiramdam habang pinagmamasdan ko sila. Ibang-iba talaga kapag kasama ko ang mga pinsan ko. Noong makita nila kaming dalawa ni Kian ay sabay-sabay silang tumakbo papalapit sa amin upang tulungan kami sa aming mga dala. "Oh, kamusta? Bakit ang tagal ninyong dalawa?" mabilis na tanong ni Garnet matapos niyang kunin mula sa kaliwa kong kamay ang dalawang bucket ng fries. "Nag-away na naman siguro silang magkapatid." Pagkibit-balikat ni Nhya matapos naman niyang kunin mula sa kanan kong kamay ang dalawang bucket ng chicken wings. Napailing at napatawa na lang ako sa kanila. Alam na alam at pansin na pansin talaga nila kaagad kung kailan kami may away o may hindi pagkakaunawaan ni Kian. Mabilis kaming dumiretso sa inayos nilang pagpi-picnic-an namin at pare-pareho naming inilapag sa lamesang nasa gilid lang ng picnic blanket ang mga ipinamili namin. Tinutulungan nina Axl at Lawrence si Kian sa pagsasalansan samantalang tinutulungan naman ako ng nina Nhya at Garnet. Hindi lang kami ang bukod tanging nandito ngayon sa may lawa. May ibang pamilya rin na nagpi-picnic. May mga batang naglalaro at may mga magkasintahang nagda-date at namamangka rin. Napakasariwa ng hangin dito at napakalinaw din ng tubig ng lawa kaya naman madalas talaga ay maraming tao ang tumatambay dito. Mabuti na lang at mga napakadisiplinado at mga makakalikasan ang mga tao dito sa village namin kaya naman alagang-alaga ng lahat ang buong kapaligiran maging ang lawa na 'to. Sa bawat sulok din ng village namin ay napakaraming basurahan kaya naman mahihiya ka talagang magkalat. Nang maiayos na namin ang mga pagkain sa lamesa ay buong akala ko ay magsisimula na rin kaming kumain ngunit hindi pa pala. Nagkayayaan munang mag-picture at nakiusap pa sila sa isang kabataan na kunan kami ng litrato. Pumwesto na kaming lahat sa likod ng lamesa para kita ang mga pagkain sa picture at mas napili kong pumwesto sa tabi ni Garnet. Mabilis akong ngumiti nang magsimulang magbilang ang magpi-picture sa amin ngunit unti-unti iyong nawala nang maramdaman ko ang mainit na paghawak ng isang kamay sa aking kaliwang baywang at dahil crop top nga ang suot kong pang-itaas ay damang-dama ko ang init ng haplos na dulot ng kamay na iyon. At nang humarap ako patalikod at mag-angat ako ng tingin ay sumalubong sa akin ang namumungay na mga mata ni Kian at kasabay niyon ang mabilis na pagtibok at pagwawala ng aking puso.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD