CHAPTER 17 Lyvia

1767 Words
Mahimbing na ulit akong nakatulog mula sa aking masamang panaginip at dahil tinabihan ako ni Kuya Gavion sa aking kama. Sa labis na kaba at takot ko kasi kanina dahil sa nangyari kanina sa RGL, ako ay hindi na iyon nawala-wala sa isipan ko buong araw hindi ko kasi inasahan na mangyayari iyon at hindi man lang ako nakapanlaban. Habang nasa trabaho kasi ako kanina kasama si Joy ay masyadong busy ang lahat sa hospital lalo na sa H.R department kung kaya't pati si Joy ay nagboluntaryo na rin kaninang tulungan ako dahil sumakto pa talagang lumiban ang sekretarya ko dahil linagnat ito. Kaya hindi talaga ako kanina magkandaugaga sa mga gawain kahit naman kasi Director na ako ng sarilli naming hospital ay ayoko namang iasa ang lahat sa mga empleyado ko. "Director Lyvia, is everything okay?" nagtatakang tanong ni Joy sa akin kanina nang mapansin niyang hindi ko na alam kung anong uunahin ko. "Do you need some help? Pwede kitang tulungan if hindi na talaga kaya ng beauty mo," dugtong niya. "Really, Joy?" tanong ko pa. "Oo naman wala rin naman akong ginagawa rito sa loob ng opisina mo." Great! "Okay, Joy can you send this folders sa Audit room? Wala kasing sumasagot sa linya ng telepono nila," utos ko agad kay Joy at kinuha na agad niya ang iilang folders na nakapatong sa desk ko. "You know where the audit room right?" tanong ko muna sa kaniya. "Yes, Director Ferriero tsaka para hindi ka na rin lumabas mahirap na," litanya pa ni Joy at saka na ito lumabas ng office ko upang ihatid ang mga folders sa audit room. Nang mapag-isa na lang ako rito sa opisina ay ang ibang mga trabaho naman ang inasikaso ko buti na lang talaga at nandito si Joy upang tulungan ako. Actually palagi ko na rin siyang kasama dahil iyon ang utos ni Kuya Gavion at hindi na lang ulit ako umangal para hindi na ulit kami mag-away isa pa ay kaibigan na rin ang turing ko kay Joy dahil magaan lang naman siyang kasama sa trabaho. Isa pa ay alam ko namang concern lang sa akin si Kuya kaya medyo OA na siya minsan sa pagiging protective niya sa akin kaya iniintindi ko na lamang siya. Kasalukuyan akong nagpipirma ng mga papelis ng biglang bumukas ang office ko nagulat pa ako dahil hindi man lang ito nag-atubiling kumatok bago pumasok. "Director Lyvia, kailangan po kayo sa conference now!" humahangos na wika ng ekstranghera. Ngunit hindi ko na iyon binigyang pansin dahil nadala na rin ako sa pagkataranta niya kung kaya't agad na akong sumunod sa kaniya. Pero hindi ko inasahang isang set up pala 'yon dahil pagkalabas ko ay may dalawang lalaki ng humawak agad sa magkabilang braso ko nagpumiglas naman ako at sumigaw pero ano ba naman ang lakas ko sa dalawang lalaki na ito. "Manahimik ka!" Sisisgaw pa sana ulit ako ngunit bigla na lamang akong nanghina at nanlabo ang paningin ko kasabay niyon ay tuluyan ng pagdilim ng paningin ko. Sa muling pagmulat ng mga mata ko ay napaungol agad ako dahil sa sakit na naramdaman ko sa kanang braso at nasa loob na ako ng kotse at katabi ko na naman ang lalaking sumigaw sa akin kanina. Nanghihina man at masakit ang ulo ko ay nagawa ko pa ring tumanaw sa bintana ng kotse upang alamin kung nasaan ako kasama ang demonyong katabi ko. "Huwag kang magtakang sumigaw kung ayaw mong pumutok iyang bungo mo!" banta niya sa akin sabay tutok ng baril sa sentido ko. Ngunit ganun na lang ang gulat ko ng bigla itong lumabas mula sa kotse sabay halkit ng kaliwang braso. And there I saw Kuya Gavion in his stoic face and everything went chaos. Ngayon ay magkatabi na kami Kuya Gavion sa aking kama alam kung labag sa kalooban niya ang tabihan ako dahil naasiwa siya pero wala rin siyang nagawa sa huli dahil napakamapilit ko. Ewan ko ba kasi sa kaniya kung bakit siya naasiwa, e, magpinsan naman kami. Halatang balisa siya sa tuwing magdidikit ang mga katawan namin nang hindi sinasadya medyo malikot kasi ako kung matulog. Gusto kong matawa sa reaksiyon niya sa totoo lang para kasing siyang nagtitimpi na ewan, samantalang ako ay okay lang. Kinaumagahan ay alagang-alaga naman ako ni Kuya Gavion maya't-maya niyang chi-ne-check ang lagay ko at kung ano pa ba ang mga kailangan o 'di kaya ay kakainin ko buong araw din siyang nasa bahay para masiguradong maayos ang lagay ko. And I appreciate him for that, lalo na't alam kong hindi naman siya mabahay na tao dahil busy ito sa kaniyang sarilling negosyo. Lumipas pa ang dalawang araw at ganoon pa rin ang pakikitungo sa akin ni Kuya Gavion. Kahit nahahalata ko ng naiinis at nagtitimpi na lang ito sa mga kagustuhan ko ay hindi talaga siya nagrereklamo dahil nga bumabawi siya sa akin. At dahil nga bumabawi pa ngayon sa akin si Kuya ay sasamantalahin ko na rin ito minsan lang naman kasi ito kaya sasagarin ko na. "Kuya?" malambing kong tawag sa kaniya habang abala siya sa kaniyang laptop dito sa pool area "Yes, Lyv?" baling agad nito sa akin. "May port ka 'di ba, Kuya tsaka mga yate?" tanong ko. "Yes, Lyv bakit?" turan niya. "Pwede mo ba akong dalhin doon, Kuya tapos mag swimming tayo sa dagat matagal na rin kasi akong hindi nakaligo sa dagat," litanya ko na ikinataas agad ng kilay ng pinsan ko. "Lyv, hindi pwede," malumanay niyang sagot. "But why, Kuya?" nagtatakang tanong ko naman agad sa kaniya. "Delikado, Lyv alam mo namang marami akong kalaban 'di ba?" paliwanag pa niya. "Kasama naman kita, Kuya para hindi ako mapahamak at para hindi ka rin mag-aalala sige na, Kuya bored na kasi rito sa bahay," pakiusap ko pa. Simula rin kasi noong napahamak ang buhay ko ay minabuti na ni Kuya Gavion na mag work from home na lang talaga ako, and this time ay pumayag na ako dahil natakot na rin na ako sa maaaring mangyari sa akin sa labas ng mansion ni Kuya Gavion. "But—" "Payagan mo na, Gavion minsan lang naman, e, tsaka hindi pa naman nakapunta si Lyvia ng Ferriero port," putol ni Joy sa maaaring sabihin ni Kuya. Biglang na lang kasi itong sumulpot mula sa loob ng bahay at may hawak pang tasa. And for hundred times ay nakita ko na naman ang pagtitimpi ni Kuya Gavion dahil gumatong pa talaga si Joy. Isang malalim at marahas na buntong hininga muna ang pinakawalan ng pinsan ko bago muling tumingin sa akin. "Fine," sumusukong aniya. "Basta pagkatapos mong mag swimming pumasok ka na lang agad sa yate at manatili sa kwarto para hindi ka makita ng mga kalaban ko, okay?" Abot tenga akong tumango sa kaniya dahil pumayag siya sa wakas makakaligo na ulit ako sa dagat. Sobrang miss ko na kasi 'yon. "Sige na ihanda mo na ang mga dadalhin mo at ipapahanda ko na ang kotse kay Adam pati ang yate kung saan tayo mananatili sa port," utos na niya. At wala na rin akong sinayang na oras pumanhik na agad ako sa kwarto ko sa taas at kaagad na inayos ang mga dadalhin ko. Masyadong mabilis ang kilos ng lahat dahil sunod ko na lang na natagpuan ang sarilli kong bumababa mula sa kotse dahil narito na kami sa port ni Kuya Gavion, kasama rin namin sina Adam, Ringo at Joy. "Welcome to Ferriero port, Lyvia," ani ni Joy habang lumalanghap ako ng sariwang amoy at hangin mula sa dagat. "So refreshing!" nakapikit kong wika at binalewala ang sinabi ni Joy. Pagkuwa'y niyaya na ako ni Kuya Gavion na umakyat sa yate niya. His yacht is unique not just because of the color kundi pati sa cross na design na kaparehas sa leeg niya sa kaliwang bahagi. "Be comfortable, Lyv pero huwag mong kalimutan ang sinabi ko kanina," paalala ni Kuya. "Noted, Kuya," nakangiting sagot ko naman agad. Sobrang ganda ng dagat napakalinis at linaw ng tubig dagat tila ba pinapaanyayahan na ako nitong lumusob kung kaya't nagpasya na rin agad akong maligo sa dagat. Nagpaalam muna ako kay Kuya Gavion at saka ako hinatid ni Joy sa loob at dinala sa magiging kwarto ko rito pagkatapos ay iniwan na rin niya ako dahil kapwa pa sila may inaasikaso ni Kuya Gavion. Agad akong pumili ng two piece na susuotin ko pang swimming siyempre dapat sexy at maganda ang dating higit sa lahat litaw ang kutis ko at magandang hubog ng katawan ko. Black two piece ang napili ko simple lang ito pero lilitaw dito ang porcelana kong kutis at lalabas ang cleavage ko at hubog na hubog pati pisngi ng pang-upo ko. Kaagad na akong naghubad saka sinuot ang two piece. Hindi nga ako nagkamali dahil litaw na litaw ang cleavage ko at pisngi ng pang-upo ko. Humarap pa ako sa salamin na narito sa loob ng kwarto at umikot ng isang beses. And there I saw my beautiful body salamat at pinagpala ako pagdating sa katawan. Nang makuntento na ako sa aking kaseksihan ay pinatugan ko muna ang two piece kong suot ng aking roba hinayaan ko ng bagsak ang buhok ko para ready to swim na talaga ako, niluwagan ko lang din ang pagtali saka lumabas ng silid. Paglabas ko ay sabay na napatingin agad sa akin si Joy at Kuya Gavion kaya ngitian ko agad ang mga ito. "Wow! Super ready ka na talaga, Lyvia," nakangiting wika ni Joy sa akin habang tinatahak ko ang hamba ng yate. "Oo, Joy ang tagal na rin kasi mula noong huling ligo ko sa dagat," sagot ko. "Well the sea is waiting for you already." Agad ko ng hinubad ang suot kong roba at sinabit ko muna ito sa katabing upuan kung saan nakaupo si Kuya Gavion sa mahabang mesa naman at may anim na upuan. "Sexy naman ng katawan na iyan," puri ni Joy na ikinangiti ko naman agad. "Thanks, Joy tara swimming tayo," pasalamat at aya ko sa kaniya. "Kuya Gavion, swimming tayo," aya ko rin kay Kuya na halatang hindi na mapakali sa kaniyang kinauupuan. "I'm busy, j-just go dive, Lyv," nahihirapang sagot niya ngunit hindi ito nakatingin sa akin. "Ayos ka lang, Kuya?" tanong ko sobrang pinagpapawisan na kasi ang leeg niya at namumula. Nagtitimping tinaas agad nito kaliwang kamay niya at sumenyas na tumigil ako kahit na wala naman akong ginagawa, niyayaya ko lang naman siya. "Just dive, Lyv," mariing saad niya sabay pikit ng kaniyang mga mata. Magkakasakit pa yata si Kuya Gavion dahil biglaan ang pagpunta namin dito sa port niya. Huwag naman sana.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD