Bigla tuloy akong naguluhan dahil sa mga sinabi ni Kuya Gavion at unti-unti na ring binabalot ng kaba at takot ang puso ko. Ano ba kasi ang mahalagang sasabihin sa akin ni Atty Umali? Magtatanong pa sana ulit ako kay Kuya ng bigla namang dumating si Atty Umali. "Good morning, Mr. and Ms. Ferriero!" pormal na bati sa amin ni Atty Umali. "Good morning, Atty please take a sit," ganting bati naman ni Kuya sa kaniya sabay muwestra ng kaniyang kamay sa bakanteng upuan upang doon umupo si Atty. "Pasensiya na at napaghintay ko na naman kayo," paumanhing wika ni Atty sabay upo sa upuan. "It's fine, Atty, kakarating lang din naman ng mga inorder namin ni Lyv," kaagad na sagot naman ni Kuya. "So, shall we start, Mr. Ferriero?" Binalingan muna ako ng tingin ni Kuya Gavion at bakas sa kaniyang m

