CHAPTER 9

1577 Words
"Gavion!" Awtomatikong napalingon ako sa aking likuran nang marinig ko ang boses ni Joy. Finally she's home. "How is it, Joy?" sabik kong tanong agad sa kaniya. Pumakawala muna ito ng isang malalim na buntong hininga bago ako sinagot. "Wala si Lyvia sa mansion nila," sagot niya na kinanuot naman agad ng noo ko. "What? E, nasaan daw siya?" tanong ko. "Walang alam ang dalawang matanda kung nasaan siya nagulat pa nga ang ginang nang pumunta ako roon dahil ang buong akala nila ay nasa puder mo rin ang pinsan mo," salaysay niya. Napamura agad ako ng ilang beses sa isipan ko dahil sa aking narinig. Hindi pwedeng mawala si Lyvia at baka mapahamak lang ulit siya. "How about her best friend, Arma tinawagan mo ba siya tinanong mo kung magkasama sila ni Lyvia?" nag-aalalang tanong ko pa kay Joy. "I did, pero hindi niya sinasagot ang tawag ko dumaan na rin ako sa RGL, wala rin doon si Lyvia at napagalaman ko ring nasa isang conference ang best friend niyang si Arma kaya hindi sinasagot ang tawag ko," litanya ni Joy. "Mukhang nakukuha na yata ni Lyvia ang strategy mo, Gavion dahil hindi siya umuwi sa mansion nila. Nagrerebelde," umiiling na dugtong pa ni Joy. Bulls**t! For the first time ay sinisi ko ang sarilli ko dahil lang sa pagrerebelde ng isang tao. T*****a lang talaga! Napahilot na lamang ako ng aking sentido dahil sa ginawa ni Lyvia. Mapapadalas na talaga nito ang pagsakit ng ulo ko dahil sa kagagawan niya. "So, ano na ngayon ang gagawin natin?" tanong ni Joy. "Let me think first," seryosong sagot ko sabay hakbang papasok sa loob ng mansion. Sa bar area ako dumiretso at mabilis na kumuha ng alak at sinalin sa baso saka tinungga ko iyon ng diretso tatlong sunod-sunod na tungga ang ginawa ko bago ako mahimasmasan. Muling nanumbalik sa aking isipan ang huling bilin ni Papa sa akin habang sinasariwa ko ang mga binibitawan niyang mga salita noon ay unti-unti namang napapahigpit ang hawak ko sa baso kasabay ng pag-igiting ng baggang ko hanggang sa umabot na sa sukdulan ang inis ko at wala sa sarilli kong tinapon ang baso na tumama sa dingding at ikinabasag nito. "Gavion!" saway naman agad sa akin ni Joy at bakas sa mukha nito ang pagkainis dahil sa ginawa ko. "Calm down, Gavion walang maidudulot na maganda iyang pagbabasag mo!" "You know what you better take a shower instead and get some rest," mungkahi pa niya. Matapang ko lamang itong tinignan at hindi naman ito natakot sa akin bagkus ay pinilit pa ako nitong magpahinga na lang muna ako bago ko pa maubos ang laman ng bar area ko. Naguguluhan man ay sinunod ko na lamang siya baka nga tama rin naman siya baka kailangan ko munang magpahinga upang makapag-isip ako nang maayos. Dahil nga sinunod ko ang suhestiyon ni Joy ay nakahiga na ako ngayon aking kwarto ngunit hindi ko magawa-gawang ipikit ang aking mga mata dahil akupado ni Lyvia ang buong isip ko. How can I rest peacefully tonight if I'm so worried about her and if something bad happens to her. I should be the one to blame, for being so tough on her. Ang isang araw kong pag-aalala ay nadagdagan pa ng dalawa dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin umuuwi si Lyvia sa kanilang mansion. Nag-uupdate kasi roon si Joy baka nakauwi na si Lyvia. "Gavion, may meeting ka with the—" "Cancel it," seryosong utos ko kay Adam. "What? But, Gavion this is important," hindi makapaniwalang turan niya. "Mas importante ang pinsan ko, kaya lahat ng mga meetings ko ngayong araw ikansela mo," maawtoridad kong utos kay Adam. Hindi ko na hahayaang lumipas pa ulit ang isang araw na hindi pa rin nakikita si Lyvia, hindi na lang pag-aalala ang bumabalot ngayon sa kaloob-looban ko dahil natatakot ba rin ako. At si Lyvia lang ang may kakayahaang pukawin ang takot sa katawan ko and that's bulls***t! "Joy, let's go," mando ko kay Joy nang tungohin ko ito sa pool area at kasalukuyan siyang kumakalikot sa laptop niya. Agad naman itong natigil sa kaniyang ginagawa at naguguluhang tumingin sa akin. "Pupunta tayo sa mansion nina Lyvia," wika ko. "But she's not there," sagot niya. "I know, kaya nga pupunta tayo roon para pauwiin si Lyvia," determinadong wika ko. "What? At paano mo naman 'yon gagawin?" "You'll see." Agad ko na siyang tinalikuran at malalaking hakbang agad ang ginawa ko palabas ng mansion. Sagad na sagad na talaga ako sa pinsan ko kaya sisiguradohin kong mapapauwi ko na siya ngayong araw. Huwag niya akong hamunin! Mabilis ang bawat kilos ko dala ng sobrang inis ko sa pinsan, sunod ko na lang natagpuan ang sarilli kong nakasakay na sa kotse ko katabi si Joy at si Ringo naman ang nagmamaneho. "Gavion, paano kung wala pa pala magpahanggang ngayon si Lyvia sa mansion nila? Anong gagawin natin doon?" tanong ni Ringo na ikinabaling ko ng tingin sa kaniya mula sa rearview mirror. "Sisiguraduhin kong makakauwi siya ngayon din," sagot ko sa matigas kong boses. "E, paano kung mag-away lang ulit kayo? O 'di mas nahirapan ka pa lalo niyan," wika ulit niya. "Responsibilidad ko si Lyvia kaya hindi pwedeng hindi siya natin makakasama pag-uwi mamaya." Wala na akong pakialam kung magalit si Lyvia sa akin hanggang sukdulan ang mahalaga maiuwi ko lang ulit siya sa bahay. Hindi na tumugon pa si Ringo dahil alam naman niyang hindi niya naman mababago ang aking desisyon maging si Joy ay tahimik lamang sa tabi ko. Minuto ang lumipas ay nakarating na kami sa mansion nina Lyvia, pagkababa namin ni Joy ng sasakyan ay dumiretso na kami sa loob ng mansion nila. "Sir Gavion?" gulat na tawag sa akin ni Mang Romy nang makita kami nito. "Magandang hapon po, Mang Romy nakauwi na po ba si Lyvia?" seryosong tanong ko agad sa ginong. "Ho? H-hindi po napadaan dito si Lyvia bakit wala po ba siya sa inyo?" balik tanong din niya sa akin. Hindi lang ako ang pinag-aalala ni Lyvia dahil maging ang mga tao rito sa mansion nila ay walang kaalam-alam kung nasaan ba talaga siya. "Where's, Aling Cory? Gusto ko siyang makausap," Sa halip ay wika ko sa maawtoridad kong boses. Agad naman kaming iginiya ng ginong sa pool are at nadatnan nga namin dito si Aling Cory na nag-aayos ng mga bulaklak ngunit natigil din agad siya nang makita ang presensiya namin ni Joy. "Sir Gavion, Ma'am Joy nandito po pala kayo, maupo po muna kayo," ani ng ginang. "Aling Cory, wala po ba talaga kayong alam kung nasaan si Lyvia?" Sa halip ay seryosong tanong ko sa kaniya at hindi binigyang pansin ang sinabi niya. "Naku, Sir wala po talaga, e. Kahit naman po kasi malapit sa amin si Lyvia ay may mga bagay pa rin naman siyang hindi sinasabi sa amin at nirerespeto naman po 'yon namin," mapagpaumanhing litanya ng ginang sa akin. "Pero alam ninyo ang mobile number niya?" tanong ko na ikinatango naman agad niya. "Joy, alam ba ni Lyvia ang number mo?" baling ko kay Joy, na ngayon ay nakaupo na sa isang dining chair. "Hindi." "Your phone," wika ko sabay bukas ng palad ko upang abutin ang cellphone ni Joy. Agad niya naman iyong binigay sa akin at inabot ko naman agad 'yon kay Aling Cory. "Call Lyvia at pauwiin mo siya, and don't tell her na narito kami," mando ko. Tumango naman agad si Aling Cory sabay kuha ng phone sa kamay ko at saka tinawagan si Lyvia. Lumayo rin ito ng kaunti sa amin ni Joy upang hindi marinig sa kabilang linya ang aming boses kung sakali mang may isa sa amin ni Joy ang magsasalita. "Do you think mapapauwi ni Aling Cory si Lyvia?" biglang tanong ni Joy habang nakatingin ako sa nakatalikod na si Aling Cory habang tinatawagan si Lyvia. "Mahalaga sina Aling Cory at Mang Romy kay Lyvia kaya oo malakas ang kutob kong uuwi siya para sa dalawa," seryosong sagot ko habang nakatingin pa rin kay Aling Cory. Somehow I know weakness ni Lyvia ang dalawang matanda dahil kapwa ito mahalaga sa kaniya at natitiyak kong susundin niya ang si Aling Cory. Hindi nagtagal ay tapos na ang ginang sa telepono at binalik na nito sa akin. "Ano, Aling Cory uuwi raw po ba siya?" Kaagad na tanong sa kaniya ni Joy. "Opo, Ma'am Joy hintayin na lang daw po namin ang pag-uwi niya." Agad namang sumilay ang ngiti sa aking mga labi dahil sa sagot ni Aling Cory. See? Bibigay si Lyvia. Ngayon ay hihintayin na lang namin ang pag-uwi niya. "Mabuti naman po kung ganun, Aling Cory," wika ni Joy. "Pero sana po, Sir Gavion pag-uwi rito mamaya ni Lyvia huwag niyo po siyang biglain agad. Kilala ko po kasi ang batang 'yon hindi po siya aalis nang walang paalam kung sa tingin niya ay tama pa po ang pakikitungo sa kaniya. Sa katunayan po ngayon lang po nagkaganun si Lyvia kaya sana ho intindihin niyo naman po siya lalo na't iba po ang buhay at trato na kinagisnan at nakasanayan niya," mahabang pahayag sa akin ni Aling Cory sa nakikiusap nitong boses. Bigla tuloy akong nakonsensiya dahil sa ginawa ko sa aking pinsan. Nakakahiya kay Tito Roman, but I promise pagbalik ni Lyvia mamaya hindi na mauulit 'yong mga ginawa ko sa kaniya. I'll let her do what she wants, at kung saan siya sasaya ay susubukan kong sumang-ayon sa bagay na 'yon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD