Nang makabawi siya mula sa pagkakagulat ay dumilim na naman ang tinin nito sa akin. "Hindi ka lang demonyo at sinungaling, Kuya Gavion. Manyak ka pa!" singhal niya sabay waksi ng kamay niyang hawak ko. Bago pa man siya makaalis sa kandungan ko ay mabilis ko ng kinabig ang batok niya at siniil ng nag-aalab na halik ang labi niya. Nagulat siya sa ginawa ko pero hindi nagtagal ay nakabawi rin agad siya at pilit niyang tinutulak ang dibdib ko upang maghiwalay ang aming magkahinang na labi. "Isang tulak mo pa, magiging ina ka talaga ng mga magiging anak ko!" banta ko sa kaniya nang bitawan ko ang labi niya upang pigilan ang mga kamay kakatulak sa dibdib ko. "I hate you, Kuya Gavion!" At tuluyan na siyang nakaalis mula sa kandungan ko at bumalik sa passenger seat. She's nagging while fixin

