I kissed him. “Okay naman, Babe. Pagod pero masaya, ang daming turista ang nagpa-book sa resort,” Itinigil niya ang pagtipa sa keyboard at niyakap niya ako. “That's good. Mukhang nag-eenjoy ka doon, ha,” sabi niya. “Hindi naman, masaya lang ako dahil nakakatulong ako sa pagbawas ng mga workload mo.” Inamoy nga ni Steven ang leeg ko. “Ang bango pa rin,” singhot niya. Kahit na ang init ngayon ay hindi pa rin ako amoy pawis dahil naka-aircon naman sa opisina niya roon pero ang huggard na ng itsura ko. “By the way, pumunta sa akin kanina si Ryven, nagpapaalam kung pwede raw ba siyang magsanay sa business mo. Mukhang interesado ‘yang anak mo sa business world.” “Pumunta nga rin dito kanina, pinayagan mo na raw siya, tuwang-tuwa. Matagal na yun nangungulit sa akin. Hindi ko lang masabi sa

